Isaias 43:18-20
Isaias 43:18-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang sabi niya: “Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon. Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito. Pararangalan ako maging ng mababangis na hayop gaya ng mga asong-gubat at mga ostrits, sapagkat nagpabukal ako ng tubig sa disyerto, upang may mainom ang mga taong hinirang ko.
Isaias 43:18-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pero huwag na ninyong iisipin pa ang nakaraan, dahil bagong bagay na ang gagawin ko. Itoʼy nangyayari at nakikita na ninyo. Gagawa ako ng daan at mga bukal sa disyerto. Pararangalan ako ng maiilap na hayop, pati na ng mga asong-gubat at mga kuwago, dahil maglalagay ako ng mga bukal sa disyerto para may mainom ang mga pinili kong mamamayan.
Isaias 43:18-20 Ang Biblia (TLAB)
Huwag ninyong alalahanin ang mga dating bagay, o bulayin man ang mga bagay ng una. Narito, ako'y gagawa ng bagong bagay; ngayon yao'y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at mga ilog sa ilang. Pararangalan ako ng mga hayop sa parang, ng mga chakal at ng mga avestruz: sapagka't ako'y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal, at ng mga ilog sa ilang, upang painumin ang aking bayan, na aking pinili
Isaias 43:18-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang sabi niya: “Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon. Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita? Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto, at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito. Pararangalan ako maging ng mababangis na hayop gaya ng mga asong-gubat at mga ostrits, sapagkat nagpabukal ako ng tubig sa disyerto, upang may mainom ang mga taong hinirang ko.
Isaias 43:18-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)