Isaias 40:3-5
Isaias 40:3-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ganito ang isinisigaw ng isang tinig: “Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang; gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa ilang. Tambakan ang mga libis, patagin ang mga burol at bundok, at pantayin ang mga baku-bakong daan. Mahahayag ang kaluwalhatian ni Yahweh, at makikita ito ng lahat ng tao. Si Yahweh mismo ang nagsabi nito.”
Isaias 40:3-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
May tagapagbalitang sumisigaw na nangangaral sa mga tao, “Ihanda ninyo ang daan sa ilang para sa PANGINOON. Gawin ninyong matuwid ang daan na dadaanan ng ating Dios. Tambakan ninyo ang mga mababang lugar, patagin ang mga bundok at burol, at pantayin ang mga baku-bakong daan. Mahahayag ang makapangyarihang presensya ng PANGINOON, at makikita ito ng lahat. Mangyayari nga ito dahil sinabi mismo ng PANGINOON.”
Isaias 40:3-5 Ang Biblia (TLAB)
Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios. Bawa't libis ay mataas, at bawa't bundok at burol ay mabababa; at ang mga bakobako ay matutuwid, at ang mga hindi pantay na dako ay mapapatag: At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat na tao, sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon
Isaias 40:3-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ganito ang isinisigaw ng isang tinig: “Ihanda ninyo ang daraanan ni Yahweh sa ilang; gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran sa ilang. Tambakan ang mga libis, patagin ang mga burol at bundok, at pantayin ang mga baku-bakong daan. Mahahayag ang kaluwalhatian ni Yahweh, at makikita ito ng lahat ng tao. Si Yahweh mismo ang nagsabi nito.”
Isaias 40:3-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)