Isaias 35:3-4
Isaias 35:3-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Inyong palakasin ang mahinang kamay, at patatagin ang mga tuhod na lupaypay. Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob! Darating na ang Diyos, at ililigtas ka sa mga kaaway.”
Isaias 35:3-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya palakasin ninyo ang mga nanghihina. Sabihin ninyo sa mga natatakot, “Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob. Darating ang inyong Dios para maghiganti sa inyong mga kaaway, at ililigtas niya kayo.”
Isaias 35:3-4 Ang Biblia (TLAB)
Inyong palakasin ang mga mahinang kamay, at patatagin ang mga mahinang tuhod. Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo'y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya'y paririto at ililigtas kayo.
Isaias 35:3-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Inyong palakasin ang mahinang kamay, at patatagin ang mga tuhod na lupaypay. Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob: “Huwag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob! Darating na ang Diyos, at ililigtas ka sa mga kaaway.”
Isaias 35:3-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)