Isaias 29:1-8
Isaias 29:1-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kawawa ang Jerusalem, ang lunsod na himpilan ni David! Hayaang dumaan ang taunang pagdiriwang ng mga kapistahan, at pagkatapos ay wawasakin ko ang lunsod na tinatawag na “altar ng Diyos!” Maririnig dito ang panaghoy at pagtangis, ang buong lunsod ay magiging parang altar na tigmak ng dugo. Kukubkubin kita, at magtatayo ako ng mga kuta sa paligid mo. Dahil dito, ikaw ay daraing mula sa lupa, maririnig mo ang iyong tinig na nakakapangilabot, nakakatakot na parang tinig ng isang multo, at parang bulong mula sa alabok. Ngunit ang lulusob sa iyo ay liliparin na parang abo, parang ipang tatangayin ng hangin ang nakakatakot nilang hukbo. Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay biglang magpapadala ng dumadagundong na kulog, lindol, buhawi, at naglalagablab na apoy upang iligtas ka. Ang lahat ng bansang kumalaban sa Jerusalem, ang kanilang mga sandata at kagamitan, ay maglalahong parang isang panaginip, parang isang pangitain sa gabi. Parang isang taong gutom na nanaginip na kumakain, at nagising na gutom pa rin; o taong uhaw na nanaginip na umiinom, ngunit uhaw na uhaw pa rin nang siya'y magising. Gayon ang sasapitin, ng lahat ng bansang lumalaban sa Jerusalem.
Isaias 29:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ng PANGINOON, “Nakakaawa ang Jerusalem, ang lungsod na tinitirhan ni David! Sige, ipagdiwang ng lungsod na ito ang kanyang mga pista bawat taon. Pero lulusubin ko ito, at mag-iiyakan at mananaghoy ang kanyang mga mamamayan. Para sa akin, ang buong lungsod ay magiging parang altar na puno ng dugo. Kukubkubin ko ang lungsod ng Jerusalem. Paliligiran ko ito ng toreng panalakay at patatambakan ng lupa sa gilid ng mga pader para maakyat ito. Mawawasak ito at magiging parang multo na tumatawag mula sa ilalim ng lupa na ang tinig ay nakakapangilabot. Pero darating ang araw na ang marami niyang kaaway ay magiging parang alikabok o ipa na tatangayin ng hangin. Bigla itong mangyayari sa kanila. Ang Jerusalem ay aalalahanin ko, at ako, ang PANGINOONG Makapangyarihan, ay darating na may kulog, lindol, ingay, buhawi, bagyo, at nagliliyab na apoy. Mawawalang parang panaginip ang maraming bansang sumasalakay sa Jerusalem at gumigiba ng mga pader nito. Ang katulad nilaʼy taong nananaginip na kumakain, pero nang magising ay gutom pa rin; o katulad ng taong nananaginip na umiinom, pero nang magising uhaw pa rin.”
Isaias 29:1-8 Ang Biblia (TLAB)
Hoy Ariel, Ariel, na bayang hinantungan ni David! magdagdag kayo ng taon sa taon; magdiwang sila ng mga kapistahan: Akin ngang pahihirapan ang Ariel, at magsisitangis at mananaghoy: at siya'y magiging gaya ng Ariel sa akin. At ako'y magtatayo ng kampamento laban sa iyo sa palibot, at kukubkubin kita ng mga kuta, at ako'y magbabangon ng mga pangkubkob laban sa iyo. At ikaw ay mabababa, at magsasalita mula sa lupa, at ang iyong salita ay magiging mababa na mula sa alabok: at ang iyong tinig ay magiging gaya ng isang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, mula sa lupa, at ang iyong pananalita ay bubulong mula sa alabok. Nguni't ang karamihan ng iyong mga kaaway ay magiging gaya ng munting alabok, at ang karamihan ng mga kakilakilabot ay gaya ng ipang inililipad ng hangin: oo, magiging sa biglang sandali. Siya'y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog, at ng lindol, at ng malaking kaingay, ng ipoipo at bagyo, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy. At ang karamihan ng lahat na bansa na nagsisilaban sa Ariel, lahat na nagsisilaban sa kaniya at sa kaniyang kuta, at ang nagpapahirap sa kaniya, ay magiging gaya ng panaginip na isang pangitain sa gabi. At mangyayari, na gaya ng kung ang isang gutom ay nananaginip, at, narito, siya'y kumakain; nguni't siya'y nagigising, at ang kaniyang kaluluwa ay walang anoman: o gaya ng kung ang isang uhaw ay nananaginip, at, narito, siya'y umiinom; nguni't siya'y nagigising, at, narito, siya'y malata, at ang kaniyang kaluluwa ay uhaw: gayon ang mangyayari sa karamihan ng lahat na bansa, na nagsisilaban sa bundok ng Sion.
Isaias 29:1-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kawawa ang Jerusalem, ang lunsod na himpilan ni David! Hayaang dumaan ang taunang pagdiriwang ng mga kapistahan, at pagkatapos ay wawasakin ko ang lunsod na tinatawag na “altar ng Diyos!” Maririnig dito ang panaghoy at pagtangis, ang buong lunsod ay magiging parang altar na tigmak ng dugo. Kukubkubin kita, at magtatayo ako ng mga kuta sa paligid mo. Dahil dito, ikaw ay daraing mula sa lupa, maririnig mo ang iyong tinig na nakakapangilabot, nakakatakot na parang tinig ng isang multo, at parang bulong mula sa alabok. Ngunit ang lulusob sa iyo ay liliparin na parang abo, parang ipang tatangayin ng hangin ang nakakatakot nilang hukbo. Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay biglang magpapadala ng dumadagundong na kulog, lindol, buhawi, at naglalagablab na apoy upang iligtas ka. Ang lahat ng bansang kumalaban sa Jerusalem, ang kanilang mga sandata at kagamitan, ay maglalahong parang isang panaginip, parang isang pangitain sa gabi. Parang isang taong gutom na nanaginip na kumakain, at nagising na gutom pa rin; o taong uhaw na nanaginip na umiinom, ngunit uhaw na uhaw pa rin nang siya'y magising. Gayon ang sasapitin, ng lahat ng bansang lumalaban sa Jerusalem.
Isaias 29:1-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)