Isaias 28:24-29
Isaias 28:24-29 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang nagsasaka ba'y lagi na lamang pag-aararo at pagsusuyod ang gagawin sa kanyang bukid? Hindi ba't kung maihanda na ang lupa, ito'y sinasabugan niya ng anis at linga? Hindi ba tinatamnan niya ito ng trigo't sebada at sa mga gilid naman ay espelta? Iyan ang tamang gawain na itinuro ng Diyos sa tao. Ang anis at linga ay hindi ginagamitan ng gulong o mabigat na panggiik. Banayad lamang itong nililiglig o pinapalo. Dinudurog ba ang butil na ginagawang tinapay? Hindi ito ginigiik nang walang tigil, pinararaanan ito sa hinihilang kariton ngunit hindi pinupulbos. Ang mensaheng ito'y mula kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, mahusay ang kanyang payo at kahanga-hanga ang kanyang karunungan.
Isaias 28:24-29 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang magsasaka baʼy lagi na lamang mag-aararo at hindi na magtatanim? Hindi baʼt kapag handa na ang lupa, sinasabuyan niya ng sari-saring binhi ang bawat bukid, katulad halimbawa ng mga pampalasa, trigo, sebada at iba pang mga binhi? Alam niya ang dapat niyang gawin dahil tinuturuan siya ng Dios. Hindi niya ginagamitan ng mabibigat na panggiik ang mga inaning pampalasa, kundi pinapagpag niya o pinapalo ng patpat. Ang trigo na ginagawang tinapay ay madaling madurog kaya hindi niya ito gaanong ginigiik. Ginagamitan niya ito ng karitong panggiik, pero sinisiguro niyang hindi ito madudurog. Ang kaalamang ito ay mula sa PANGINOONG Makapangyarihan. Napakabuti ng kanyang mga payo, at kahanga-hanga ang kanyang kaalaman.
Isaias 28:24-29 Ang Biblia (TLAB)
Nag-aararo bagang lagi ang mang-aararo upang maghasik? Kaniya bagang laging binubungkal at dinudurog ang kaniyang lupa. Pagka kaniyang napatag ang ibabaw niyaon hindi ba niya binibinhian ng eneldo, at ikinakalat ang binhing comino, at inihahanay ang trigo, at ang cebada sa takdang dako, at ang espelta sa hangganan niyaon? Sapagka't itinuturong matuwid sa kaniya ng kaniyang Dios, at itinuturo sa kaniya: Sapagka't ang eneldo ay hindi ginigiik ng panggiik na matalas, o ang gulong man ng karo ay gugulong sa comino; kundi ang eneldo ay hinahampas ng tungkod, at ang comino ay ng pamalo. Ang trigong ginagawang tinapay ay ginigiling; sapagka't hindi laging magigiik: at bagaman pangalatin yaon ng gulong ng kaniyang karo at ng kaniyang mga kabayo, hindi niya ginigiling. Gayon ma'y ito'y mula rin sa Panginoon ng mga hukbo, na kamanghamangha sa payo, at marilag sa karunungan.
Isaias 28:24-29 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang nagsasaka ba'y lagi na lamang pag-aararo at pagsusuyod ang gagawin sa kanyang bukid? Hindi ba't kung maihanda na ang lupa, ito'y sinasabugan niya ng anis at linga? Hindi ba tinatamnan niya ito ng trigo't sebada at sa mga gilid naman ay espelta? Iyan ang tamang gawain na itinuro ng Diyos sa tao. Ang anis at linga ay hindi ginagamitan ng gulong o mabigat na panggiik. Banayad lamang itong nililiglig o pinapalo. Dinudurog ba ang butil na ginagawang tinapay? Hindi ito ginigiik nang walang tigil, pinararaanan ito sa hinihilang kariton ngunit hindi pinupulbos. Ang mensaheng ito'y mula kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, mahusay ang kanyang payo at kahanga-hanga ang kanyang karunungan.
Isaias 28:24-29 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)