Isaias 26:3-4
Isaias 26:3-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala. Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.
Isaias 26:3-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo. Magtiwala kayong lagi sa PANGINOON, dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.
Isaias 26:3-4 Ang Biblia (TLAB)
Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo. Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.
Isaias 26:3-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)