Isaias 26:2-4
Isaias 26:2-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Buksan ang pintuan, at hayaang pumasok ang matuwid na bansa na laging tapat. Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala. Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.
Isaias 26:2-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Buksan ang mga pintuan ng lungsod para makapasok ang bansang matuwid at tapat sa PANGINOON. PANGINOON, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo. Magtiwala kayong lagi sa PANGINOON, dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.
Isaias 26:2-4 Ang Biblia (TLAB)
Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan. Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo. Magsitiwala kayo sa Panginoon magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.
Isaias 26:2-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Buksan ang pintuan, at hayaang pumasok ang matuwid na bansa na laging tapat. Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan ang mga may matatag na paninindigan at sa iyo'y nagtitiwala. Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman, sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.
Isaias 26:2-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)