Isaias 14:12-17
Isaias 14:12-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“O Maningning na Bituin sa umaga, anak ng Bukang-liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit. Ikaw na nagpasuko sa mga bansa! Hindi ba't sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos, ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan.’ Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay? Sa kalalimang walang hanggan? Pagmamasdan ka ng mga patay at magtatanong ang mga ito: ‘Hindi ba ang taong ito ang nagpayanig sa lupa, at nagpabagsak sa mga kaharian? Hindi ba't winasak niya ang buong daigdig, at nilupig ang mga lunsod, ang taong ayaw palayain ang mga bilanggo?
Isaias 14:12-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Nahulog ka mula sa langit, ikaw na tinatawag na tala sa umaga. Ibinagsak ka sa lupa, ikaw na nagpasuko ng mga bansa. Sinabi mo sa iyong sarili, ‘Aakyat ako sa langit, at ilalagay ko ang aking trono sa itaas ng mga bituin ng Dios. Uupo ako sa itaas ng bundok na pinagtitipunan ng mga dios sa bandang hilaga. Aakyat ako sa itaas ng mga ulap, at magiging gaya ng Kataas-taasang Dios.’ “Pero ano ang nangyari sa iyo? Dinala ka sa lugar ng mga patay, sa pinakamalalim na hukay. Tititigan kang mabuti ng mga patay at sasabihin nila, ‘Hindi baʼt ito ang taong kinatatakutan ng mga tao sa mundo, at ang yumanig ng mga kaharian? Hindi baʼt siya ang nagwasak ng mga lungsod, ginawang parang ilang ang buong mundo, at hindi nagpalaya sa kanyang mga bihag?’
Isaias 14:12-17 Ang Biblia (TLAB)
Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan. Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay. Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo, kanilang mamasdan ka, na mangagsasabi, Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa, na nagpauga ng mga kaharian; Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan, at gumiba ng mga bayan nito; na hindi nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi?
Isaias 14:12-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“O Maningning na Bituin sa umaga, anak ng Bukang-liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit. Ikaw na nagpasuko sa mga bansa! Hindi ba't sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos, ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan.’ Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay? Sa kalalimang walang hanggan? Pagmamasdan ka ng mga patay at magtatanong ang mga ito: ‘Hindi ba ang taong ito ang nagpayanig sa lupa, at nagpabagsak sa mga kaharian? Hindi ba't winasak niya ang buong daigdig, at nilupig ang mga lunsod, ang taong ayaw palayain ang mga bilanggo?
Isaias 14:12-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)