Isaias 12:2-3
Isaias 12:2-3 Ang Biblia (TLAB)
Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan. Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.
Isaias 12:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan, sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang aking tagapagligtas. Malugod kayong sasalok ng tubig sa balon ng kaligtasan.”
Isaias 12:2-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas. Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot. Kayo, PANGINOON, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit. Kayo nga ang nagligtas sa akin.” Kung paanong ang malamig na tubig ay nagbibigay kagalakan sa nauuhaw, kayo naman ay magagalak kapag iniligtas na kayo ng PANGINOON.
Isaias 12:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tunay na ang Diyos ang aking kaligtasan, sa kanya ako magtitiwala at hindi ako matatakot, sapagkat ang Panginoong Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan, siya ang aking tagapagligtas. Malugod kayong sasalok ng tubig sa balon ng kaligtasan.”
Isaias 12:2-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)