Isaias 10:21-22
Isaias 10:20-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Darating ang araw na ang mga natitirang Israelitang lahi ni Jacob ay hindi na magtitiwala sa Asiria na nagpahirap sa kanila. Magtitiwala na sila sa PANGINOON, ang Banal na Dios ng Israel. Magbabalik-loob sila sa Makapangyarihang Dios. Kahit na kasindami ng buhangin sa tabing-dagat ang mga Israelita, iilan lang ang makakabalik. Nakatakda na ang parusang nararapat para sa buong Israel. At tiyak na gagawin ito ng Panginoong DIOS na Makapangyarihan.
Isaias 10:21-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Isang nalabi ay manunumbalik, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa Jacob, sa makapangyarihang Dios. Sapagka't bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, ang isang nalabi lamang sa kanila ang manunumbalik: ang pagkalipol ay naipasiya, na magtataglay ng katuwiran.
Isaias 10:21-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mga natira sa sambahayan ni Jacob ay magbabalik sa Diyos na Makapangyarihan, sapagkat kung sindami man ng buhangin sa dagat ang mga Israelita, ilan lamang ang makakabalik. Nakatakda na ang pagwasak sa iyo ayon sa nararapat.
Isaias 10:21-22 Ang Biblia (TLAB)
Isang nalabi ay manunumbalik, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa Jacob, sa makapangyarihang Dios. Sapagka't bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, ang isang nalabi lamang sa kanila ang manunumbalik: ang pagkalipol ay naipasiya, na magtataglay ng katuwiran.
Isaias 10:21-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)