Hosea 9:3-17
Hosea 9:3-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi sila mananatili sa lupain ni Yahweh; subalit ang Efraim ay magbabalik sa Egipto, at kakain sila sa Asiria ng mga pagkaing nagpaparumi at ipinagbabawal. Hindi na sila papayagang maghandog ng alak kay Yahweh, at hindi naman siya malulugod sa kanilang mga handog. Ang pagkain nila'y matutulad sa pagkain ng namatayan; magiging marumi ang lahat ng kakain nito. Sapagkat ang pagkain nila'y para lamang sa kanilang katawan; hindi iyon maihahandog sa Templo ni Yahweh. Ano ang gagawin mo sa araw ng itinakdang kapistahan, at sa araw ng kapistahan ng pagdiriwang para kay Yahweh? Makatakas man sila sa pagkawasak, titipunin rin sila ng Egipto, at ililibing sa Memfis. Matatakpan ng damo ang kanilang mga kagamitang pilak; at tutubuan ng dawag ang mga tahanan nilang wasak. Dumating na ang mga araw ng pagpaparusa, sumapit na ang araw ng paghihiganti; ito'y malalaman ng Israel. Ang sabi ninyo, “Mangmang ang isang propeta, at ang lingkod ng Diyos ay baliw!” Totoo iyan sapagkat labis na ang inyong kasamaan, at matindi ang inyong poot. Ang propeta'y siyang bantay sa Efraim, ang bayan ng aking Diyos, ngunit may bitag na laging sa kanya'y nakaumang, at kinapopootan siya maging sa templo ng kanyang Diyos. Nagpakasamang lubha ang aking bayan gaya ng nangyari sa Gibea. Gugunitain ng Diyos ang kanilang kalikuan, at paparusahan ang kanilang mga kasalanan. “Ang Israel ay tulad ng mga ubas sa ilang, gayon sila noong una kong matagpuan. Parang unang bunga ng puno ng igos, nang makita ko ang iyong mga magulang. Ngunit nang magpunta sila sa Baal-peor, sila'y naglingkod sa diyus-diyosang si Baal, at naging kasuklam-suklam gaya ng diyus-diyosang kanilang inibig. Ang kaningningan ng Efraim ay maglalaho, para itong ibong lumipad na palayo. Wala nang isisilang, walang magdadalang-tao, at wala na ring maglilihi. At kahit pa sila magkaroon ng mga anak, kukunin ko ang mga ito hanggang sa walang matira. Kahabag-habag sila kapag ako'y lumayo na sa kanila! Gaya ng aking nakita, ang mga anak ni Efraim ay nakatakdang mapahamak. Mapipilitan ang kanilang ama na dalhin sila sa patayan.” O Yahweh, bigyan mo po sila ng mga sinapupunang baog at ng mga susong walang gatas. “Lahat ng kanilang kasamaan ay nagpasimula sa Gilgal; doon pa ma'y kinapootan ko na sila. Dahil sa kasamaan ng kanilang gawain sila'y palalayasin ko sa aking tahanan. Hindi ko na sila mamahalin pa; mapaghimagsik ang lahat ng kanilang mga pinuno. Mapapahamak ang Efraim, tuyo na ang kanyang mga ugat; hindi na sila mamumunga. At kung magbunga ma'y papatayin ko ang pinakamamahal nilang mga supling.” Itatakwil sila ng aking Diyos sapagkat hindi sila nakinig sa kanya; sila'y magiging palaboy sa maraming mga bansa.
Hosea 9:3-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sila'y hindi magsisitahan sa lupain ng Panginoon; kundi ang Ephraim ay babalik sa Egipto, at sila'y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria. Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang tinapay ng nangagluksa; lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon. Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan, at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon? Sapagka't, narito, sila'y nagsialis sa kagibaan, gayon ma'y pipisanin sila ng Egipto, sila'y ililibing ng Memphis; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda. Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki. Ang Ephraim ay bantay na kasama ng aking Dios: tungkol sa propeta, ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan, at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios. Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan. Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig. Tungkol sa Ephraim, ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi. Bagaman kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma'y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila! Ang Ephraim, gaya ng aking makita ang Tiro, ay natatanim sa isang masayang dako: nguni't ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay. Bigyan mo sila, Oh Panginoon—anong iyong ibibigay? bigyan mo sila ng mga bahay-batang maaagasan at mga tuyong suso. Lahat nilang kasamaan ay nasa Gilgal; sapagka't doo'y kinapootan ko sila; dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa, akin silang palalayasin sa aking bahay; hindi ko na sila iibigin; lahat nilang prinsipe ay mapagsalangsang. Ang Ephraim ay nasaktan, ang kaniyang ugat ay natuyo, sila'y hindi mangagbubunga: oo, bagaman sila'y nanganak, gayon ma'y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata. Itatakuwil sila ng aking Dios, sapagka't hindi nila dininig siya; at sila'y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa.

Hosea 9:3-17 Ang Salita ng Dios (ASND)
Lilisanin ninyo ang Israel, ang lupain ng PANGINOON, at babalik kayo sa Egipto, at ang iba sa inyo ay pupunta sa Asiria, at doon ay kakain kayo ng mga pagkaing itinuturing ninyong marumi. Hindi na kayo papayagang maghandog ng inumin sa PANGINOON. Maghandog man kayo ng mga handog ay hindi rin siya malulugod. At ang sinumang kumain ng mga handog na iyan ay ituturing na marumi dahil katulad ito ng pagkain sa bahay ng namatayan. Ang inyong mga pagkain ay para lamang sa inyong sarili at hindi maaaring ihandog sa templo ng PANGINOON. Kung ganoon, ano ngayon ang inyong gagawin kapag dumating ang mga espesyal na araw ng pagsamba o mga pista upang parangalan ang PANGINOON? Kahit na makatakas kayo sa kapahamakan, titipunin pa rin kayo sa Egipto at ililibing sa Memfis. Matatakpan ng mga damo at matitinik na halaman ang inyong mga mamahaling kagamitang pilak at ang inyong mga tolda. “Mga taga-Israel, dumating na ang araw ng inyong kaparusahan, ang araw na gagantihan kayo sa inyong mga ginawa. At tiyak na malalaman ninyo na dumating na nga ito. Sinasabi ninyo, ‘Ang propetang iyan ay hangal, isang lingklod ng Dios na nasisiraan ng ulo.’ Sinasabi ninyo iyon dahil marami na kayong mga kasalanan at galit kayo sa akin. Bilang propeta, kasama ko ang Dios sa pagbabantay sa inyo na mga taga-Israel. Pero kahit saan ako pumunta ay nais ninyo akong ipahamak; para akong ibon na gusto ninyong mahuli sa bitag. Galit sa akin ang mga tao sa Israel, na itinuturing ng Dios na kanyang tahanan. Napakasama na ninyo tulad ng mga lalaki noon sa Gibea. Aalalahanin ng Dios ang inyong mga kasamaan, at parurusahan niya kayo sa inyong mga kasalanan.” Sinabi ng PANGINOON, “Mga taga-Israel, noong piliin ko ang mga ninuno ninyo na maging aking mga mamamayan, tuwang-tuwa ako. Gaya ng taong tuwang-tuwa nang makakita ng ubas na tumubo sa disyerto o nang makakita ng unang bunga ng puno ng igos. Pero nang pumunta sila sa Baal Peor, itinalaga nila ang kanilang sarili sa mga nakakasuklam na dios-diosan, at naging gaya sila ng mga kasuklam-suklam na dios-diosang iyon na kanilang iniibig. Mga taga-Israel, mawawala ang inyong kadakilaan na parang ibong lumipad. Wala nang mabubuntis at wala ring manganganak sa inyong mga kababaihan. At kung may manganganak man, kukunin ko ang mga anak nila at magluluksa kayo. Nakakaawa naman kayo kapag iniwan ko na kayo. “Ang tingin ko sa inyo noon ay parang palmang tumutubo sa matabang lupa. Pero ngayon, kailangang dalhin ninyo ang inyong mga anak sa digmaan para mamatay.” Sinabi ni Hoseas: PANGINOON, ganoon nga po ang gawin nʼyo sa inyong mga mamamayan. Loobin nʼyo pong hindi magkaanak at makapagpasuso ang mga kababaihan nila. Sinabi ng PANGINOON, “Ang lahat ng kasamaan ng aking mga mamamayan ay nagsimula sa Gilgal. Doon pa lang ay kinapootan ko na sila. At dahil sa kanilang kasamaan, palalayasin ko sila sa lupain ng Israel na aking tahanan. Hindi ko na sila mamahalin. Naghimagsik sa akin ang lahat ng kanilang mga pinuno. Para silang tanim na natuyo ang ugat kaya hindi namumunga. At kahit mabuntis man sila, papatayin ko ang mga minamahal nilang anak.” Sinabi ni Hoseas, “Itatakwil ng aking Dios ang mga taga-Israel dahil hindi sila sumunod sa kanya. Kaya mangangalat sila sa ibaʼt ibang bansa.
Hosea 9:3-17 Ang Biblia (TLAB)
Sila'y hindi magsisitahan sa lupain ng Panginoon; kundi ang Ephraim ay babalik sa Egipto, at sila'y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria. Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang tinapay ng nangagluksa; lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon. Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan, at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon? Sapagka't, narito, sila'y nagsialis sa kagibaan, gayon ma'y pipisanin sila ng Egipto, sila'y ililibing ng Memphis; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda. Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki. Ang Ephraim ay bantay na kasama ng aking Dios: tungkol sa propeta, ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan, at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios. Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan. Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig. Tungkol sa Ephraim, ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi. Bagaman kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma'y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila! Ang Ephraim, gaya ng aking makita ang Tiro, ay natatanim sa isang masayang dako: nguni't ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay. Bigyan mo sila, Oh Panginoon-anong iyong ibibigay? bigyan mo sila ng mga bahay-batang maaagasan at mga tuyong suso. Lahat nilang kasamaan ay nasa Gilgal; sapagka't doo'y kinapootan ko sila; dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa, akin silang palalayasin sa aking bahay; hindi ko na sila iibigin; lahat nilang prinsipe ay mapagsalangsang. Ang Ephraim ay nasaktan, ang kaniyang ugat ay natuyo, sila'y hindi mangagbubunga: oo, bagaman sila'y nanganak, gayon ma'y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata. Itatakuwil sila ng aking Dios, sapagka't hindi nila dininig siya; at sila'y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa.
Hosea 9:3-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)