Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hosea 5:1-14

Hosea 5:1-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

Sinabi pa ng PANGINOON, “Makinig kayo, mga mamamayan ng Israel, pati na kayong mga pari at sambahayan ng hari, dahil ang hatol na ito ay laban sa inyo: Para kayong bitag, dahil ipinahamak ninyo ang mga mamamayan ng Mizpa at Tabor. Nagrerebelde kayo sa akin at gusto ninyong pumatay, kaya didisiplinahin ko kayong lahat. Alam ko ang lahat ng tungkol sa inyo na mga taga-Israel. Wala kayong maililihim sa akin. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan kaya naging marumi kayo. “Ang inyong masasamang gawain ang pumipigil sa inyo upang magbalik-loob sa akin na inyong Dios. Sapagkat nasa puso ninyo ang espiritung nag-uudyok sa inyo para sumamba sa mga dios-diosan, at hindi ninyo ako kinikilalang PANGINOON. Ang pagmamataas ninyo ay nagpapatunay na dapat kayong parusahan. At dahil sa mga kasalanan nʼyo, mapapahamak kayo, kayong mga taga-Israel kasama ang mga taga-Juda. Maghahandog kayo ng mga tupa, kambing, at mga baka sa paglapit ninyo sa akin. Pero hindi ninyo mararanasan ang presensya ko dahil itinakwil ko na kayo. Nagtaksil kayo sa akin, dahil nagkaanak kayo sa labas. Kaya lilipulin ko kayo at sisirain ko ang lupain ninyo sa loob lamang ng isang buwan. “Hipan ninyo ang mga trumpeta para bigyang babala ang mga tao sa Gibea at Rama! Iparinig ang sigaw ng digmaan sa Bet Aven! Magbantay kayo, kayong mga mamamayan ng Benjamin. Mawawasak ang Israel sa araw ng pagpaparusa. Tiyak na mangyayari ang sinasabi ko laban sa mga lahi ng Israel! Ang mga pinuno ng Juda ay katulad ng taong naglilipat ng muhon dahil inagaw nila ang lupain ng Israel. Kaya ibubuhos ko sa kanila ang aking galit na parang baha. Ginigipit at winawasak ang Israel dahil pinarurusahan ko siya. Sapagkat patuloy siyang sumusunod sa mga dios-diosan. Ang katulad koʼy insektong ngumangatngat sa Israel at sa Juda. “Nang makita ng mga taga-Israel at taga-Juda ang kanilang masamang kalagayan, humingi ng tulong ang Israel sa makapangyarihang hari ng Asiria. Pero hindi ito makakatulong sa kanila. Sapagkat sasalakayin kong parang leon ang Israel at ang Juda. Ako mismo ang lilipol sa kanila. Dadalhin ko sila sa ibang bansa at walang makapagliligtas sa kanila.

Hosea 5:1-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

“Pakinggan ninyo ito, mga pari! Dinggin ninyo ito, sambahayan ni Israel! Makinig kayo, sambahayan ng hari! Sapagkat kayo ang tinutukoy sa kahatulan. Kayo'y naging bitag sa Mizpa, at lambat na nakalatag sa Bundok Tabor. Kayo'y naghimagsik at nagpakagumon sa kasalanan, kaya't paparusahan ko kayong lahat. Kilala ko si Efraim; walang lihim sa akin ang Israel; sapagkat ikaw ngayon Efraim ay naging babaing masama, at ang Israel naman ay naging marumi.” Dahil sa kanilang mga ginawa, hindi na sila makapanumbalik sa Diyos. Sapagkat nasa kanila ang espiritu ng kasamaan, at hindi nila nakikilala si Yahweh. Ang kapalaluan ng Israel ay sumasaksi laban sa kanya. Matitisod ang Efraim sa kanyang kasalanan; at kasama niyang matitisod ang Juda. Dadalhin nila ang kanilang mga kawan ng tupa at baka upang hanapin si Yahweh, subalit siya'y hindi nila matatagpuan; lumayo na siya sa kanila. Naging taksil sila kay Yahweh; kaya't nagkaanak sila sa labas. Masisira ang kanilang mga pananim at sila'y malilipol pagdating ng bagong buwan. “Hipan ang tambuli sa Gibea! Hipan ang trumpeta sa Rama! Ibigay ang hudyat sa Beth-aven! Nasa likuran mo na sila, Benjamin! Mawawasak ang Efraim sa araw ng pag-uusig. Ang ipinapahayag kong ito'y tiyak na mangyayari. “Nangangamkam ng lupa ang mga pinuno ng Juda; binago nila ang palatandaan ng pagbabahagi sa kanilang lupain. Kaya parang bahang ibubuhos ko sa kanila ang aking poot. Ang Efraim ay inaapi at tadtad sa kahatulan, sapagkat patuloy siyang umaasa sa mga diyus-diyosan. Ako'y parang kalawang sa Efraim, at bukbok sa sambahayan ni Juda. “Nang makita ni Efraim ang maselan niyang karamdaman, at ni Juda ang kanyang mga sugat, si Efraim ay nagpasugo sa hari ng Asiria. Subalit hindi na siya kayang pagalingin, hindi na mabibigyang-lunas ang kanyang mga sugat. Sapagkat parang leon akong sasalakay sa Efraim, parang isang mabangis na batang leon na gugutay sa Juda. Lalapain ko ang Juda saka iiwan, at walang makakapagligtas sa kanila.

Hosea 5:1-14 Ang Biblia (TLAB)

Dinggin ninyo ito, Oh ninyong mga saserdote, at inyong pakinggan ninyong sangbahayan ni Israel, at inyong ulinigin, Oh sangbahayan ng hari, sapagka't sa inyo'y nauukol ang kahatulan; sapagka't kayo'y naging isang silo sa Mizpa, at isang panghuli na nalagay sa Tabor. At ang mga nagsipanghimagsik ay nangagpakapahamak na mainam; nguni't ako'y mananaway sa kanilang lahat. Aking kilala ang Ephraim, at ang Israel na hindi lingid sa akin; sapagka't ngayon, Oh Ephraim, ikaw ay nagpatutot, ang Israel ay napahamak. Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios; sapagka't ang pagpapatutot ay nasa loob nila, at hindi nila nakikilala ang Panginoon. At ang kapalaluan ng Israel ay nagpapatotoo sa kaniyang mukha: kaya't ang Israel at ang Ephraim ay mangatitisod sa kanilang kasamaan; ang Juda'y matitisod ding kasama nila. Sila'y magsisiyaong kasama ng kanilang kawan at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon; nguni't hindi nila masusumpungan siya: Siya'y umurong sa kanila. Sila'y nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon; sapagka't sila'y naganak ng ibang mga anak: lalamunin nga sila ng bagong buwan sangpu ng kanilang mga parang. Hipan ninyo ang korneta sa Gabaa, at ang pakakak sa Rama: kayo'y magsitugtog ng hudyat sa Beth-aven; sa likuran mo, Oh Benjamin. Ang Ephraim ay magiging kasiraan sa kaarawan ng pagsaway: sa gitna ng mga lipi ng Israel ay aking ipinakilala ang tunay na mangyayari. Ang mga prinsipe sa Juda ay gaya ng nagsisibago ng lindero: aking ibubuhos ang aking galit sa kanila na parang tubig. Ang Ephraim ay napighati, siya'y nadikdik sa kahatulan; sapagka't siya'y nasisiyahang lumakad ng ayon sa utos ng tao. Kaya't ako'y sa Ephraim na parang tanga, at sa sangbahayan ni Juda na parang kabulukan. Nang makita ng Ephraim ang kaniyang sakit, at nang makita ni Juda ang kaniyang sugat, naparoon nga ang Ephraim sa Asiria, at nagsugo sa haring Jareb: nguni't hindi niya mapagagaling kayo, ni kaniyang mapagagaling man kayo sa inyong sugat. Sapagka't ako'y magiging parang leon sa Ephraim, at parang isang batang leon sa sangbahayan ni Juda, Ako, sa makatuwid baga'y ako, ay aagaw at aalis; ako'y magaalis, at walang magliligtas.

Hosea 5:1-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

“Pakinggan ninyo ito, mga pari! Dinggin ninyo ito, sambahayan ni Israel! Makinig kayo, sambahayan ng hari! Sapagkat kayo ang tinutukoy sa kahatulan. Kayo'y naging bitag sa Mizpa, at lambat na nakalatag sa Bundok Tabor. Kayo'y naghimagsik at nagpakagumon sa kasalanan, kaya't paparusahan ko kayong lahat. Kilala ko si Efraim; walang lihim sa akin ang Israel; sapagkat ikaw ngayon Efraim ay naging babaing masama, at ang Israel naman ay naging marumi.” Dahil sa kanilang mga ginawa, hindi na sila makapanumbalik sa Diyos. Sapagkat nasa kanila ang espiritu ng kasamaan, at hindi nila nakikilala si Yahweh. Ang kapalaluan ng Israel ay sumasaksi laban sa kanya. Matitisod ang Efraim sa kanyang kasalanan; at kasama niyang matitisod ang Juda. Dadalhin nila ang kanilang mga kawan ng tupa at baka upang hanapin si Yahweh, subalit siya'y hindi nila matatagpuan; lumayo na siya sa kanila. Naging taksil sila kay Yahweh; kaya't nagkaanak sila sa labas. Masisira ang kanilang mga pananim at sila'y malilipol pagdating ng bagong buwan. “Hipan ang tambuli sa Gibea! Hipan ang trumpeta sa Rama! Ibigay ang hudyat sa Beth-aven! Nasa likuran mo na sila, Benjamin! Mawawasak ang Efraim sa araw ng pag-uusig. Ang ipinapahayag kong ito'y tiyak na mangyayari. “Nangangamkam ng lupa ang mga pinuno ng Juda; binago nila ang palatandaan ng pagbabahagi sa kanilang lupain. Kaya parang bahang ibubuhos ko sa kanila ang aking poot. Ang Efraim ay inaapi at tadtad sa kahatulan, sapagkat patuloy siyang umaasa sa mga diyus-diyosan. Ako'y parang kalawang sa Efraim, at bukbok sa sambahayan ni Juda. “Nang makita ni Efraim ang maselan niyang karamdaman, at ni Juda ang kanyang mga sugat, si Efraim ay nagpasugo sa hari ng Asiria. Subalit hindi na siya kayang pagalingin, hindi na mabibigyang-lunas ang kanyang mga sugat. Sapagkat parang leon akong sasalakay sa Efraim, parang isang mabangis na batang leon na gugutay sa Juda. Lalapain ko ang Juda saka iiwan, at walang makakapagligtas sa kanila.

Hosea 5:1-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Dingin ninyo ito, Oh ninyong mga saserdote, at inyong pakinggan ninyong sangbahayan ni Israel, at inyong ulinigin, Oh sangbahayan ng hari, sapagka't sa inyo'y nauukol ang kahatulan; sapagka't kayo'y naging isang silo sa Mizpa, at isang panghuli na nalagay sa Tabor. At ang mga nagsipanghimagsik ay nangagpakapahamak na mainam; nguni't ako'y mananaway sa kanilang lahat. Ang kilala ang Ephraim, at ang Israel na hindi lingid sa akin; sapagka't ngayon, Oh Ephraim, ikaw ay nagpatutot, ang Israel ay napahamak. Hindi sila titiisin ng kanilang mga gawain na manumbalik sa kanilang Dios; sapagka't ang pagpapatutot ay nasa loob nila, at hindi nila nakikilala ang Panginoon. At ang kapalaluan ng Israel ay nagpatotoo sa kaniyang mukha: kaya't ang Israel at ang Ephraim ay mangatitisod sa kanilang kasamaan; ang Juda'y matitisod ding kasama nila. Sila'y magsisiyaong kasama ng kanilang kawan at ng kanilang bakahan upang hanapin ang Panginoon; nguni't hindi nila masusumpungan siya: Siya'y umurong sa kanila. Sila'y nagsigawa ng paglililo laban sa Panginoon; sapagka't sila'y naganak ng ibang mga anak: lalamunin nga sila ng bagong buwan sangpu ng kanilang mga parang. Hipan ninyo ang korneta sa Gabaa, at ang pakakak sa Rama: kayo'y magsitugtog ng hudyat sa Beth-aven; sa likuran mo, Oh Benjamin. Ang Ephraim ay magiging kasiraan sa kaarawan ng pagsaway: sa gitna ng mga lipi ng Israel ay aking ipanakilala ang tunay na mangyayari. Ang mga prinsipe sa Juda ay gaya ng nagsisibago ng lindero: aking ibubuhos ang aking galit sa kanila na parang tubig. Ang Ephraim ay napighati, siya'y nadikdik sa kahatulan; sapagka't siya'y nasisiyahang lumakad ng ayon sa utos ng tao. Kaya't ako'y sa Ephraim na parang tanga, at sa sangbahayan ni Juda na parang kabulukan. Nang makita ng Ephraim ang kaniyang sakit, at nang makita ni Juda ang kaniyang sugat, naparoon nga ang Ephraim sa Asiria, at nagsugo sa haring Jareb: nguni't hindi niya mapagagaling kayo, ni kaniyang mapapagaling man kayo sa inyong sugat. Sapagka't ako'y magiging parang leon sa Ephraim, at parang isang batang leon sa sangbahayan ni Juda, Ako, sa makatuwid baga'y ako, ay aagaw at aalis; ako'y magaalis, at walang magliligtas.