Hosea 2:15-23
Hosea 2:15-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagbalik namin, ibabalik ko sa kanya ang mga ubasan niya, at ang Lambak ng Acor ay gagawin kong daanan na magpapaalala ng magandang kinabukasan. At sasagutin niya ako katulad ng ginawa niya noong panahon ng kanyang kabataan, noong kinuha ko siya sa lupain ng Egipto.” Sinabi ng PANGINOON sa mga Israelita, “Sa araw na iyon ng inyong pagbabalik sa akin, tatawagin ninyo ako na inyong asawa at hindi na ninyo ako tatawaging Baal. Hindi ko na hahayaang banggitin ninyo ang mga pangalan ni Baal. Sa araw na iyon, makikipagkasundo ako sa lahat ng uri ng hayop na huwag nila kayong sasaktan. Aalisin ko sa lupain ng Israel ang lahat ng sandata tulad ng mga pana at espada. At dahil wala nang digmaan, matutulog kayong ligtas at payapa. “Ituturing ko kayong asawa magpakailanman. Gagawin ko sa inyo ang matuwid at tama. Mamahalin ko kayo at kaaawaan. Itatalaga ko sa inyo ang aking sarili nang buong katapatan, at kikilalanin na ninyo ako bilang PANGINOON. Sa araw na iyon, sasagutin ko ang mga dalangin ninyo. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito. Magpapadala ako ng ulan upang tumubo sa lupa ang mga trigo, ubas, at mga olibo para sa inyo na tinatawag na Jezreel. Patitirahin ko kayo sa inyong lupain bilang mga mamamayan ko. Kaaawaan ko kayong tinatawag na Lo Ruhama, at tatawagin ko kayong aking mga mamamayan kayong tinatawag na Lo Ami. At sasabihin ninyo na ako ang inyong Dios.”
Hosea 2:15-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Doon ay ibabalik ko sa kanya ang kanyang mga ubasan, at gagawin kong pinto ng pag-asa ang Libis ng Kaguluhan. Tutugon naman siya tulad noong panahon ng kanyang kabataan, nang siya'y ilabas ko sa lupain ng Egipto.” “At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “Ang itatawag mo sa akin ay ‘Aking Asawa,’ at hindi mo na ako tatawaging ‘Aking Baal.’ Sapagkat ipalilimot ko na sa iyo ang mga pangalan ng mga Baal, at hindi na muling ipababanggit ang mga ito. Sa araw na iyon, alang-alang sa iyo, makikipagkasundo ako sa mga hayop sa parang, sa mga ibon sa kalawakan, sa mga nilikhang sa lupa'y gumagapang. Aalisin ko sa lupain ang pana, ang espada at ang digmaan. Upang kayo'y makapagpahingang matiwasay. Ikaw ay magiging aking asawa magpakailanman, Israel; mabubuklod tayo sa katuwiran at katarungan, sa wagas na pag-ibig at sa pagmamalasakit sa isa't isa. Ikaw ay magiging tapat kong asawa, at kikilalanin mong ako nga si Yahweh.” “Sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “Tutugunin ko ang panalangin ng aking bayan, magkakaroon ng ulan upang ibuhos sa lupa. Sa gayon, sasagana sa lupain ang pagkaing butil, ang alak at ang langis. Ito naman ang katugunan sa pangangailangan ng Jezreel. Sa panahon ding iyon ay ibabalik ko ang mga Israelita sa kanilang lupain. Kahahabagan ko si Lo-ruhama, at sasabihin ko kay Lo-Ammi, ‘Ikaw ang aking Bayan’, at tutugon naman siya, ‘Ikaw ang aking Diyos.’”
Hosea 2:15-23 Ang Biblia (TLAB)
At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon, at ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pagasa; at siya'y sasagot doon, gaya ng mga kaarawan ng kaniyang kabataan, at gaya ng araw na siya'y sumampa mula sa lupain ng Egipto. At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali. Sapagka't aking aalisin ang mga pangalan ng mga Baal sa kaniyang bibig, at siya'y hindi na babanggitin pa sa pamamagitan ng kanilang pangalan. At sa araw na yaon ay ipakikipagtipan ko sila sa mga hayop sa parang, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga bagay na nagsisiusad sa lupa: at aking babaliin ang busog at ang tabak, at patitigilin ko ang pagbabaka sa lupain, at akin silang pahihigaing tiwasay. At ako'y magiging asawa mo magpakailan man; oo, magiging asawa mo ako sa katuwiran, at sa kahatulan, at sa kagandahang-loob, at sa mga kaawaan. Magiging asawa mo rin ako sa pagtatapat; at iyong makikilala ang Panginoon. At mangyayari sa araw na yaon, na ako'y sasagot, sabi ng Panginoon, ako'y sasagot sa langit, at sila'y magsisisagot sa lupa; At ang lupa'y sasagot sa trigo, at sa alak, at sa langis; at sila'y magsisisagot sa Jezreel. At aking itatatag siya para sa akin sa lupa; at ako'y magdadalang habag sa kaniya na hindi nagtamo ng kahabagan; at aking sasabihin sa kanila na hindi ko bayan, Ikaw ay aking bayan; at siya'y magsasabi, Ikaw ay aking Dios.
Hosea 2:15-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Hosea 2:15-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)