Hosea 2:1-16
Hosea 2:1-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't tatawagin ninyo ang inyong mga kapwa Israelita na “Ammi” at “Ruhama”. Pakiusapan mo ang iyong ina, pakiusapan mo siya, sapagkat hindi ko na siya itinuturing na asawa, at wala na akong kaugnayan sa kanya. Pakiusapan mo siyang itigil ang pangangalunya, at tigilan na ang kanyang kataksilan. Kung hindi'y huhubaran ko siya tulad ng isang sanggol na bagong silang; gagawin ko siyang tulad ng disyerto, tulad ng isang tigang na lupa, at hahayaan ko siyang mamatay sa uhaw. Hindi ko kakahabagan ang kanyang mga anak, sapagkat sila ay mga anak sa pagkakasala. Ang kanilang ina ay naging taksil na asawa; at siyang sa kanila'y naglihi ay naging kahiya-hiya. Sinabi pa nga niya, “Susundan ko ang aking mga mangingibig, na nagbibigay ng aking pagkain at inumin, ng aking damit at balabal, langis at alak.” Dahil dito, haharangan ko ng mga tinik ang kanyang mga landas; paliligiran ko siya ng pader, upang hindi niya matagpuan ang kanyang mga landas. Hahabulin niya ang kanyang mga mangingibig, ngunit sila'y hindi niya maaabutan. Sila'y kanyang hahanapin, ngunit hindi niya matatagpuan. Kung magkagayon, sasabihin niya, “Babalik ako sa aking unang asawa, sapagkat higit na mabuti ang buhay ko sa piling niya noon kaysa kalagayan ko ngayon.” Hindi niya kinilalang ako ang nagbigay sa kanya ng pagkaing butil, ng alak at ng langis. Sa akin nanggaling ang pilak at ginto na ginagamit niya sa pagsamba kay Baal. Kaya't babawiin ko ang pagkaing butil na aking ibinigay maging ang bagong alak sa kapanahunan nito. Babawiin ko rin ang mga damit at balabal, na itinakip ko sa kanyang kahubaran. Ngayo'y ilalantad ko ang kanyang kahubaran sa harapan ng kanyang mga mangingibig, walang makakapagligtas sa kanya mula sa aking mga kamay. Wawakasan ko na ang lahat ng kanyang pagdiriwang, ang mga kasayahan at mga araw ng pangilin, gayundin ang lahat ng itinakda niyang kapistahan. Sasalantain ko ang kanyang mga ubasan at mga punong igos, na sinasabi niyang upa sa kanya ng kanyang mga mangingibig. Lahat ng iyan ay kakainin ng mga hayop, at masukal na gubat ang kauuwian. Paparusahan ko siya dahil sa mga kapistahan, na kanyang ipinagdiwang sa karangalan ni Baal; nagsunog siya ng insenso sa mga diyus-diyosan, nagsuot din siya ng mga singsing at alahas, pagkatapos ay humabol sa kanyang mga mangingibig, at ako'y kanyang nilimot, sabi ni Yahweh. “Ngunit masdan mo, siya'y muli kong susuyuin, dadalhin ko sa ilang, kakausapin nang buong giliw. Doon ay ibabalik ko sa kanya ang kanyang mga ubasan, at gagawin kong pinto ng pag-asa ang Libis ng Kaguluhan. Tutugon naman siya tulad noong panahon ng kanyang kabataan, nang siya'y ilabas ko sa lupain ng Egipto.” “At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “Ang itatawag mo sa akin ay ‘Aking Asawa,’ at hindi mo na ako tatawaging ‘Aking Baal.’
Hosea 2:1-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Kaya tawagin ninyo ang inyong kapwa Israelita na ‘Aking mga mamamayan’ at ‘Kinaawaan.’ ” “Mga anak, sawayin ninyo ang inyong ina dahil iniwan na niya ako na kanyang asawa. Sabihin ninyo na dapat tigilan na niya ang pangangalunya. Kung hindi siya titigil ay huhubaran ko siya, at ang kahubaran niya ay gaya noong siya ay isinilang. Gagawin ko siyang parang disyerto o ilang, at pababayaang mamatay sa uhaw. At kayong mga anak niya ay hindi ko kaaawaan, dahil mga anak kayo ng babaeng nangangalunya. Nakakahiya ang ginagawa ng inyong inang nagsilang sa inyo. Sinabi pa niya, ‘Hahabulin ko ang aking mga lalaki na nagbibigay sa akin ng pagkain, tubig, telang lana at linen, langis, at inumin.’ “Kaya babakuran ko siya ng matitinik na mga halaman para hindi siya makalabas. Habulin man niya ang kanyang mga lalaki, hindi niya maaabutan. Hahanapin niya sila pero hindi rin niya makikita. Pagkatapos, sasabihin niya, ‘Babalik na lang ako sa asawa ko dahil higit na mabuti ang kalagayan ko noon sa piling niya kaysa sa ngayon.’ “Hindi niya naisip na ako ang nagbigay sa kanya ng mga butil, ng bagong katas ng ubas, langis, at maraming pilak at ginto na ginawang rebulto ni Baal na kanilang dios-diosan. Kaya pagdating ng tag-ani ay babawiin ko ang mga butil at ang bagong katas ng ubas na aking ibinigay. Babawiin ko rin ang mga telang lana at linen na ibinigay ko na sanaʼy pantakip sa kanyang kahubaran. At ngayon, ilalantad ko ang kanyang kahalayan sa harap ng kanyang mga lalaki, at walang makapagliligtas sa kanya mula sa aking mga kamay. Wawakasan ko na ang lahat ng espesyal na araw ng pagsamba na ginagawa niya taun-taon, buwan-buwan, at linggu-linggo. Sisirain ko ang mga ubasan niya at mga puno ng igos na ibinayad daw sa kanya ng kanyang mga lalaki. Gagawin ko itong parang gubat at kakainin ng mga mababangis na hayop sa gubat ang mga bunga nito. Parurusahan ko siya dahil may mga panahong nagsusunog siya ng mga insenso sa dios-diosang si Baal. Nagsuot siya ng mga alahas at humabol sa kanyang mga lalaki, at kinalimutan niya ako. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito. “Pero masdan mo, dadalhin ko siya sa ilang at muling liligawan hanggang sa mapaibig ko siyang muli. Pagbalik namin, ibabalik ko sa kanya ang mga ubasan niya, at ang Lambak ng Acor ay gagawin kong daanan na magpapaalala ng magandang kinabukasan. At sasagutin niya ako katulad ng ginawa niya noong panahon ng kanyang kabataan, noong kinuha ko siya sa lupain ng Egipto.” Sinabi ng PANGINOON sa mga Israelita, “Sa araw na iyon ng inyong pagbabalik sa akin, tatawagin ninyo ako na inyong asawa at hindi na ninyo ako tatawaging Baal.
Hosea 2:1-16 Ang Biblia (TLAB)
Sabihin ninyo sa inyong mga kapatid na lalake, Ammi; at sa inyong mga kapatid na babae ay, Ruhama. Makipagtalo kayo sa inyong ina, makipagtalo kayo; sapagka't siya'y hindi ko asawa, ni ako man ay kaniyang asawa; at alisin niya ang kaniyang pagpapatutot sa kaniyang mukha, at ang kaniyang mga pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga suso; Baka siya'y aking hubaran, at aking ilagay siya na gaya ng araw na siya'y ipanganak, at gawin ko siyang parang isang ilang, at ilagay ko siyang parang isang tuyong lupa, at patayin ko siya sa uhaw; Oo, sa kaniyang mga anak ay hindi ako magdadalang habag; sapagka't sila'y mga anak sa patutot. Sapagka't ang kanilang ina ay nagpatutot; siya na naglihi sa kanila ay gumawa ng kahiyahiya; sapagka't kaniyang sinabi, Ako'y susunod sa mga mangingibig sa akin, na nangagbibigay sa akin ng aking tinapay at ng aking tubig, ng aking lana at ng aking lino, ng langis ko at ng inumin ko. Kaya't, narito, aking babakuran ng mga tinik ang iyong daan, at ako'y gagawa ng bakod laban sa kaniya, na hindi niya, masusumpungan ang kaniyang mga landas. At siya'y susunod sa mga mangingibig sa kaniya, nguni't hindi niya sila aabutan; at hahanapin niya sila, nguni't hindi niya sila masusumpungan; kung magkagayo'y sasabihin niya, Ako'y yayaon at babalik sa aking unang asawa; sapagka't naging mabuti sa akin kay sa ngayon. Sapagka't hindi niya naalaman na ako ang nagbigay sa kaniya ng trigo, at ng alak, at ng langis, at nagpaparami sa kaniya ng pilak at ginto, na kanilang ginamit kay Baal. Kaya't aking babawiin ang aking trigo sa panahon niyaon, at ang aking alak sa panahon niyaon, at aking aalisin ang aking lana at ang aking lino na sana'y tatakip sa kaniyang kahubaran. At ngayo'y aking ililitaw ang kaniyang kahalayan sa paningin ng mga mangingibig sa kaniya, at walang magliligtas sa kaniya mula sa aking kamay. Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan, ang kaniyang mga kapistahan, ang kaniyang mga bagong buwan, at ang kaniyang mga sabbath, at lahat ng kaniyang takdang kapulungan. At aking iwawasak ang kaniyang mga puno ng ubas, at ang kaniyang mga puno ng higos, na siya niyang sinasabi, Ang mga ito ang aking kaupahan na ibinigay sa akin ng mga mangingibig sa akin; at ang mga yao'y aking gagawing isang gubat, at kakanin ng mga hayop sa parang. At aking dadalawin sa kaniya ang mga kaarawan ng mga Baal, na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan, nang siya'y nagpaparanya ng kaniyang mga hikaw at kaniyang mga hiyas, at sumusunod sa mga mangingibig sa kaniya, at kinalilimutan ako, sabi ng Panginoon. Kaya't, narito, akin siyang hihikayatin, at dadalhin siya sa ilang, at pagsasalitaan ko siyang may pagaliw. At ibibigay ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan mula roon, at ang libis ng Achor na pinakapintuan ng pagasa; at siya'y sasagot doon, gaya ng mga kaarawan ng kaniyang kabataan, at gaya ng araw na siya'y sumampa mula sa lupain ng Egipto. At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na tatawagin mo akong Ishi, at hindi mo na ako tatawaging Baali.
Hosea 2:1-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya't tatawagin ninyo ang inyong mga kapwa Israelita na “Ammi” at “Ruhama”. Pakiusapan mo ang iyong ina, pakiusapan mo siya, sapagkat hindi ko na siya itinuturing na asawa, at wala na akong kaugnayan sa kanya. Pakiusapan mo siyang itigil ang pangangalunya, at tigilan na ang kanyang kataksilan. Kung hindi'y huhubaran ko siya tulad ng isang sanggol na bagong silang; gagawin ko siyang tulad ng disyerto, tulad ng isang tigang na lupa, at hahayaan ko siyang mamatay sa uhaw. Hindi ko kakahabagan ang kanyang mga anak, sapagkat sila ay mga anak sa pagkakasala. Ang kanilang ina ay naging taksil na asawa; at siyang sa kanila'y naglihi ay naging kahiya-hiya. Sinabi pa nga niya, “Susundan ko ang aking mga mangingibig, na nagbibigay ng aking pagkain at inumin, ng aking damit at balabal, langis at alak.” Dahil dito, haharangan ko ng mga tinik ang kanyang mga landas; paliligiran ko siya ng pader, upang hindi niya matagpuan ang kanyang mga landas. Hahabulin niya ang kanyang mga mangingibig, ngunit sila'y hindi niya maaabutan. Sila'y kanyang hahanapin, ngunit hindi niya matatagpuan. Kung magkagayon, sasabihin niya, “Babalik ako sa aking unang asawa, sapagkat higit na mabuti ang buhay ko sa piling niya noon kaysa kalagayan ko ngayon.” Hindi niya kinilalang ako ang nagbigay sa kanya ng pagkaing butil, ng alak at ng langis. Sa akin nanggaling ang pilak at ginto na ginagamit niya sa pagsamba kay Baal. Kaya't babawiin ko ang pagkaing butil na aking ibinigay maging ang bagong alak sa kapanahunan nito. Babawiin ko rin ang mga damit at balabal, na itinakip ko sa kanyang kahubaran. Ngayo'y ilalantad ko ang kanyang kahubaran sa harapan ng kanyang mga mangingibig, walang makakapagligtas sa kanya mula sa aking mga kamay. Wawakasan ko na ang lahat ng kanyang pagdiriwang, ang mga kasayahan at mga araw ng pangilin, gayundin ang lahat ng itinakda niyang kapistahan. Sasalantain ko ang kanyang mga ubasan at mga punong igos, na sinasabi niyang upa sa kanya ng kanyang mga mangingibig. Lahat ng iyan ay kakainin ng mga hayop, at masukal na gubat ang kauuwian. Paparusahan ko siya dahil sa mga kapistahan, na kanyang ipinagdiwang sa karangalan ni Baal; nagsunog siya ng insenso sa mga diyus-diyosan, nagsuot din siya ng mga singsing at alahas, pagkatapos ay humabol sa kanyang mga mangingibig, at ako'y kanyang nilimot, sabi ni Yahweh. “Ngunit masdan mo, siya'y muli kong susuyuin, dadalhin ko sa ilang, kakausapin nang buong giliw. Doon ay ibabalik ko sa kanya ang kanyang mga ubasan, at gagawin kong pinto ng pag-asa ang Libis ng Kaguluhan. Tutugon naman siya tulad noong panahon ng kanyang kabataan, nang siya'y ilabas ko sa lupain ng Egipto.” “At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “Ang itatawag mo sa akin ay ‘Aking Asawa,’ at hindi mo na ako tatawaging ‘Aking Baal.’
Hosea 2:1-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)