Hosea 10:2-15
Hosea 10:2-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Marumi ang kanilang puso at ngayo'y dapat silang magdusa. Wawasakin ni Yahweh ang kanilang mga altar, at sisirain ang mga haliging sinasamba. Ngayon nama'y sasabihin nila, “Wala kaming hari, sapagkat hindi kami sumasamba kay Yahweh. Ngunit ano nga ba naman ang magagawa ng isang hari para sa amin?” Puro siya salita ngunit walang gawa; puro pangako ngunit laging napapako; ang katarungan ay pinalitan ng kawalang-katarungan, at ito'y naging damong lason na sumisibol sa buong lupain. Matatakot at mananaghoy ang mga taga-Samaria dahil sa pagkawala ng mga guya sa Beth-aven. Ipagluluksa ito ng sambayanan; mananangis pati mga paring sumasamba sa diyus-diyosan, dahil sa naglaho nitong kaningningan. Ang diyus-diyosang ito'y dadalhin sa Asiria bilang kaloob sa dakilang hari. Mapapahiya ang Efraim, at ikakahiya ng Israel ang mga itinuring nilang diyos. Ang hari ng Samaria ay mapapahamak tulad ng sanga na tinatangay ng tubig. Wawasakin ang mga altar sa burol ng Aven, na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel. Tutubo ang mga tinik at dawag sa mga altar, at sasabihin nila sa kabundukan, “Itago ninyo kami,” at sa kaburulan, “Tabunan ninyo kami.” Sinabi ni Yahweh, “Ang Israel ay patuloy sa pagkakasala; mula pa noong sila'y nasa Gibea. Dahil dito'y aabutan siya ng digmaan sa Gibea. Sasalakayin ko ang bayan, at magsasanib ang mga bansa laban sa inyo. Kayo'y pinarusahan ko dahil sa patung-patong na kasalanan. “Ang Efraim ay parang dumalagang baka na sanay at mahilig sa gawang paggiik, ngunit ngayo'y isisingkaw ko na siya; ang Juda ang dapat humila ng araro; at ang Israel naman ang hihila ng suyod. Maghasik kayo ng katuwiran, at mag-aani kayo ng tapat na pag-ibig. Bungkalin ninyong muli ang napabayaang lupa, sapagkat panahon na upang hanapin natin si Yahweh. Lalapit siya sa inyo at pauulanan kayo ng pagpapala. Ngunit naghasik kayo ng kalikuan, at kawalang-katarungan ang inyong inani, kumain din kayo ng bunga ng kasinungalingan. “Dahil sa pagtitiwala ninyo sa inyong mga kapangyarihan, at sa lakas ng marami ninyong mandirigma, masasangkot sa digmaan ang inyong bayan, at mawawasak lahat ng inyong mga kuta, gaya ng ginawa ni Salman sa Beth-arbel nang salakayin niya ito at patayin ang mga ina at mga bata. Ganito ang gagawin sa sambahayan ng Israel, sapagkat malaki ang inyong kasalanan. Sa pagsapit ng bukang-liwayway, ang hari ng Israel ay ganap na mamamatay.”

Hosea 10:2-15 Ang Salita ng Dios (ASND)
Mapanlinlang sila, at ngayon dapat na nilang pagdusahan ang kanilang mga kasalanan. Gigibain ng PANGINOON ang mga altar nila at mga alaalang bato. Siguradong sasabihin nila sa bandang huli, ‘Wala kaming hari dahil wala kaming takot sa PANGINOON. Pero kahit na may hari kami, wala rin itong magagawang mabuti para sa amin.’ Puro salita lang sila pero hindi naman nila tinutupad. Nanunumpa sila ng kasinungalingan at gumagawa ng kasunduan na hindi naman nila tinutupad. Kaya ang katarungan ay parang nakakalasong damo na tumutubo sa binungkal na lupain. “Matatakot ang mga mamamayan ng Samaria dahil mawawala ang mga dios-diosang guya sa Bet Aven. Sila at ang kanilang mga pari na nagagalak sa kagandahan ng mga dios-diosan nila ay iiyak dahil kukunin iyon sa kanila at dadalhin sa Asiria at ireregalo sa dakilang hari roon. Mapapahiya ang Israel sa kanyang pagtitiwala sa mga dios-diosan. Mawawala ang kanyang hari na parang kahoy na tinangay ng agos. Gigibain ang mga sambahan sa mga matataas na lugar ng Aven, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Matatakpan ang kanilang mga altar ng matataas na damo at mga halamang may tinik. Sasabihin nila sa mga bundok at mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ ” Sinabi ng PANGINOON, “Kayong mga mamamayan ng Israel ay patuloy sa pagkakasala mula pa noong magkasala ang inyong mga ninuno roon sa Gibea. Hindi kayo nagbago. Kaya kayong mga lahi ng masasama ay lulusubin sa Gibea. Gusto ko na kayong parusahan. Kaya magsasanib ang mga bansa upang lusubin kayo dahil sa patuloy ninyong pagkakasala. Noon, para kayong dumalagang baka na sinanay na gumiik at gustong-gusto ang gawaing ito. Pero ngayon, pahihirapan ko kayong mga taga-Israel at pati ang mga taga-Juda. Magiging tulad kayo ng dumalagang baka na sisingkawan ang makinis niyang leeg at pahihirapan sa paghila ng pang-araro. Sinabi ko sa inyo, ‘Palambutin ninyo ang inyong mga puso tulad ng binungkal na lupa. Magtanim kayo ng katuwiran at mag-aani kayo ng pagmamahal. Sapagkat panahon na para magbalik-loob kayo sa akin hanggang sa aking pagdating, at pauulanan ko kayo ng tagumpay.’ “Pero nagtanim kayo ng kasamaan, kaya nag-ani rin kayo ng kasamaan. Nagsinungaling kayo, at iyan ang bunga ng inyong kasamaan. At dahil sa nagtitiwala kayo sa sarili ninyong kakayahan, tulad halimbawa sa marami ninyong mga kawal, darating ang digmaan sa inyong mga mamamayan at magigiba ang inyong mga napapaderang lungsod. Gagawin ng mga kalaban ninyo ang ginawa ni Shalman sa lungsod ng Bet Arbel nang pagluray-lurayin niya ang mga ina at ang kanilang mga anak. Ganyan din ang mangyayari sa inyong mga taga-Betel, dahil sukdulan na ang kasamaan ninyo. Sa pagbubukang-liwayway, siguradong mamamatay ang hari ng Israel.”
Hosea 10:2-15 Ang Biblia (TLAB)
Ang kanilang puso ay nahati; ngayo'y mangasusumpungan silang salarin: kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi. Walang pagsalang ngayo'y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari; sapagka't kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin? Sila'y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita, na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan: kaya't ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang. Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa mga guya ng Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon. Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob sa haring Jareb: ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan, at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo. Tungkol sa Samaria, ang kaniyang hari ay nahiwalay, na parang bula sa tubig. Ang mataas na dako naman ng Aven, ang kasalanan ng Israel ay masisira: ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana; at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami; at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin. Oh Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa: doon sila nagsitayo; ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa. Pagka siya kong nasa, ay aking parurusahan sila; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila, pagka sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang. At ang Ephraim ay isang dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal. Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo. Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake. Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak. Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan: sa pagbubukang liwayway, ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay.
Hosea 10:2-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Marumi ang kanilang puso at ngayo'y dapat silang magdusa. Wawasakin ni Yahweh ang kanilang mga altar, at sisirain ang mga haliging sinasamba. Ngayon nama'y sasabihin nila, “Wala kaming hari, sapagkat hindi kami sumasamba kay Yahweh. Ngunit ano nga ba naman ang magagawa ng isang hari para sa amin?” Puro siya salita ngunit walang gawa; puro pangako ngunit laging napapako; ang katarungan ay pinalitan ng kawalang-katarungan, at ito'y naging damong lason na sumisibol sa buong lupain. Matatakot at mananaghoy ang mga taga-Samaria dahil sa pagkawala ng mga guya sa Beth-aven. Ipagluluksa ito ng sambayanan; mananangis pati mga paring sumasamba sa diyus-diyosan, dahil sa naglaho nitong kaningningan. Ang diyus-diyosang ito'y dadalhin sa Asiria bilang kaloob sa dakilang hari. Mapapahiya ang Efraim, at ikakahiya ng Israel ang mga itinuring nilang diyos. Ang hari ng Samaria ay mapapahamak tulad ng sanga na tinatangay ng tubig. Wawasakin ang mga altar sa burol ng Aven, na naging dahilan ng pagkakasala ng Israel. Tutubo ang mga tinik at dawag sa mga altar, at sasabihin nila sa kabundukan, “Itago ninyo kami,” at sa kaburulan, “Tabunan ninyo kami.” Sinabi ni Yahweh, “Ang Israel ay patuloy sa pagkakasala; mula pa noong sila'y nasa Gibea. Dahil dito'y aabutan siya ng digmaan sa Gibea. Sasalakayin ko ang bayan, at magsasanib ang mga bansa laban sa inyo. Kayo'y pinarusahan ko dahil sa patung-patong na kasalanan. “Ang Efraim ay parang dumalagang baka na sanay at mahilig sa gawang paggiik, ngunit ngayo'y isisingkaw ko na siya; ang Juda ang dapat humila ng araro; at ang Israel naman ang hihila ng suyod. Maghasik kayo ng katuwiran, at mag-aani kayo ng tapat na pag-ibig. Bungkalin ninyong muli ang napabayaang lupa, sapagkat panahon na upang hanapin natin si Yahweh. Lalapit siya sa inyo at pauulanan kayo ng pagpapala. Ngunit naghasik kayo ng kalikuan, at kawalang-katarungan ang inyong inani, kumain din kayo ng bunga ng kasinungalingan. “Dahil sa pagtitiwala ninyo sa inyong mga kapangyarihan, at sa lakas ng marami ninyong mandirigma, masasangkot sa digmaan ang inyong bayan, at mawawasak lahat ng inyong mga kuta, gaya ng ginawa ni Salman sa Beth-arbel nang salakayin niya ito at patayin ang mga ina at mga bata. Ganito ang gagawin sa sambahayan ng Israel, sapagkat malaki ang inyong kasalanan. Sa pagsapit ng bukang-liwayway, ang hari ng Israel ay ganap na mamamatay.”
Hosea 10:2-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)