Mga Hebreo 9:25-28
Mga Hebreo 9:25-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang pinakapunong pari ng mga Judio ay pumapasok sa Dakong Banal taun-taon na may dalang dugo ng mga hayop. Ngunit si Cristo'y minsan lamang pumasok upang ihandog ang kanyang sarili. Kung hindi gayon, kailangan sanang paulit-ulit na siya'y mamatay mula pa nang likhain ang sanlibutan. Subalit minsan lamang siyang nagpakita, ngayong magtatapos na ang panahon, upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng handog na kanyang inialay. Itinakda sa mga tao na sila'y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. Gayundin naman, si Cristo'y minsang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya'y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.
Mga Hebreo 9:25-28 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang punong pari ng mga Hudyo ay pumapasok sa Pinakabanal na Lugar bawat taon, na may dalang dugo ng hayop. Ngunit si Kristo ay minsan lamang naghandog ng kanyang sarili, at hindi na niya ito inulit-ulit pa. Dahil kung kailangang ulit-ulitin, maraming beses sanang nagdusa si Kristo mula pa nang likhain ang mundo. Ngunit minsan lamang siya naparito sa mundo upang alisin ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang sarili. Ginawa niya ito ngayong matatapos na ang panahon. Itinakda sa mga tao ang mamatay nang minsan at pagkatapos nitoʼy ang paghuhukom ng Diyos. Ganoon din naman, minsan lang namatay si Kristo nang inihandog niya ang kanyang sarili upang alisin ang kasalanan ng mga tao. At muli siyang babalik dito sa mundo, hindi na upang akuing muli ang kasalanan ng mga tao, kundi upang iligtas ang mga taong naghihintay sa kanya.
Mga Hebreo 9:25-28 Ang Biblia (TLAB)
At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili; Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay minsan siya'y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili. At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom; Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.
Mga Hebreo 9:25-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang pinakapunong pari ng mga Judio ay pumapasok sa Dakong Banal taun-taon na may dalang dugo ng mga hayop. Ngunit si Cristo'y minsan lamang pumasok upang ihandog ang kanyang sarili. Kung hindi gayon, kailangan sanang paulit-ulit na siya'y mamatay mula pa nang likhain ang sanlibutan. Subalit minsan lamang siyang nagpakita, ngayong magtatapos na ang panahon, upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng handog na kanyang inialay. Itinakda sa mga tao na sila'y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. Gayundin naman, si Cristo'y minsang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya'y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.
Mga Hebreo 9:25-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)