Mga Hebreo 6:13-15
Mga Hebreo 6:13-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay ipinanumpa ang kaniyang sarili, Na sinasabi, Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita. At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako.
Mga Hebreo 6:13-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang mangako ang Diyos kay Abraham, siya'y nanumpa na tutuparin niya ang kanyang pangako. Dahil wala nang nakakahigit pa sa kanya, nanumpa siya sa sarili niyang pangalan. Sinabi niya, “Ipinapangako ko na lubos kitang pagpapalain at ang lahing magmumula sa iyo ay aking pararamihin.” Matiyagang naghintay si Abraham at natanggap naman niya ang ipinangako sa kanya.
Mga Hebreo 6:13-15 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tingnan nʼyo ang karanasan ni Abraham: Nang mangako ang Dios kay Abraham, hindi siya gumamit ng ibang pangalan para patunayan ang pangako niya, kundi ginamit niya ang sarili niyang pangalan dahil wala nang makahihigit pa sa kanya. Sinabi niya, “Talagang pagpapalain kita at pararamihin ko ang lahi mo.” At pagkatapos ng matiyagang paghihintay, natanggap ni Abraham ang mga ipinangako sa kanya.
Mga Hebreo 6:13-15 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay ipinanumpa ang kaniyang sarili, Na sinasabi, Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita. At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako.
Mga Hebreo 6:13-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)