Mga Hebreo 3:16-19
Mga Hebreo 3:16-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sino ang naghimagsik laban sa Diyos kahit na narinig nila ang kanyang tinig? Hindi ba't ang lahat ng inilabas ni Moises sa Egipto? At kanino nagalit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon? Hindi ba't sa mga nagkasala at namatay sa ilang? At sino ang tinutukoy niya nang kanyang sabihin, “Hinding-hindi sila makakapagpahinga sa piling ko”? Hindi ba't ang mga taong ayaw sumunod? Maliwanag kung ganoon kaya't hindi sila nakapasok sa lupang pangako dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Diyos.
Mga Hebreo 3:16-19 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sino ba ang mga taong nakarinig sa tinig ng Diyos at naghimagsik pa rin sa kabila nito? Hindi baʼt ang mga inilabas ni Moises sa Ehipto? At kanino ba nagalit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon? Hindi baʼt sa mga nagkasala na namatay sa ilang? At sino ba ang isinumpa ng Diyos na hindi makakaranas ng kapahingahan? Hindi baʼt ang mga ayaw sumunod sa kanya? Kaya malinaw na hindi nila nakamtan ang kapahingahan dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Diyos.
Mga Hebreo 3:16-19 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't sino-sino, na pagkarinig ay namungkahi? nguni't, hindi baga yaong lahat na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises? At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon? hindi baga yaong nangagkasala, na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang? At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan, kundi yaong mga nagsisuway? At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.
Mga Hebreo 3:16-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sino ang naghimagsik laban sa Diyos kahit na narinig nila ang kanyang tinig? Hindi ba't ang lahat ng inilabas ni Moises sa Egipto? At kanino nagalit ang Diyos sa loob ng apatnapung taon? Hindi ba't sa mga nagkasala at namatay sa ilang? At sino ang tinutukoy niya nang kanyang sabihin, “Hinding-hindi sila makakapagpahinga sa piling ko”? Hindi ba't ang mga taong ayaw sumunod? Maliwanag kung ganoon kaya't hindi sila nakapasok sa lupang pangako dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Diyos.
Mga Hebreo 3:16-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)