Mga Hebreo 2:10-13
Mga Hebreo 2:10-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa pamamagitan ng mga pagtitiis, siya'y ginawang ganap ng Diyos at nang sa gayon ay makapagdala siya ng maraming tao patungo sa kaluwalhatian. Ito'y dapat lamang gawin ng Diyos na lumikha at nangangalaga sa lahat ng bagay, sapagkat si Jesus ang tagapanguna ng kanilang kaligtasan. Si Jesus ang nagpapabanal sa mga tao. Ang kanyang Ama at ang Ama ng mga taong ito ay iisa, kaya't hindi niya ikinahihiyang tawagin silang mga kapatid. Sinabi niya sa Diyos, “Mga ginawa mo'y ihahayag ko sa aking mga kababayan, sa gitna ng kapulungan ika'y papupurihan.” Sinabi rin niya, “Ako'y mananalig sa Diyos.” At dugtong pa niya, “Narito ako, at ang mga anak na kaloob sa akin ng Diyos.”
Mga Hebreo 2:10-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ginawa ng Dios ang lahat ng bagay, at ginawa niya ito para sa sarili niya. Kaya marapat lang na pumayag siyang maghirap si Jesus, para lubos na magampanan ni Jesus ang nararapat bilang pinagmumulan ng kaligtasan. Sa ganoon, maraming mga tao ang magiging kanyang mga anak na kanyang mapaparangalan. Si Jesus ang naglilinis ng ating mga kasalanan. At ang kanyang Ama ay siya rin nating Ama. Kaya hindi niya ikinakahiya na ituring tayong mga kapatid niya. Ito ang sinabi niya sa kanyang Ama: “Ipapahayag ko sa aking mga kapatid ang mga ginawa mo, at aawit ako ng papuri sa iyo sa piling ng mga sumasamba sa iyo.” Sinabi rin niya, “Magtitiwala ako sa Dios.”
Mga Hebreo 2:10-13 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit. Sapagka't ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang sa isa: na dahil dito'y hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid, Na sinasabi, Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid, Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo. At muli, ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, Narito, ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Dios.
Mga Hebreo 2:10-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa pamamagitan ng mga pagtitiis, siya'y ginawang ganap ng Diyos at nang sa gayon ay makapagdala siya ng maraming tao patungo sa kaluwalhatian. Ito'y dapat lamang gawin ng Diyos na lumikha at nangangalaga sa lahat ng bagay, sapagkat si Jesus ang tagapanguna ng kanilang kaligtasan. Si Jesus ang nagpapabanal sa mga tao. Ang kanyang Ama at ang Ama ng mga taong ito ay iisa, kaya't hindi niya ikinahihiyang tawagin silang mga kapatid. Sinabi niya sa Diyos, “Mga ginawa mo'y ihahayag ko sa aking mga kababayan, sa gitna ng kapulungan ika'y papupurihan.” Sinabi rin niya, “Ako'y mananalig sa Diyos.” At dugtong pa niya, “Narito ako, at ang mga anak na kaloob sa akin ng Diyos.”
Mga Hebreo 2:10-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)