Mga Hebreo 11:1-2
Mga Hebreo 11:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang pananampalataya ay pagtitiwala na mangyayari ang ating mga inaasahan, at katiyakan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong una dahil sa kanilang pananampalataya sa kanya.
Mga Hebreo 11:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang pananampalataya ay ang katiyakan na matatanggap natin ang mga bagay na inaasahan natin. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita. Dahil sa pananampalataya ng mga ninuno natin, kinalugdan sila ng Dios.
Mga Hebreo 11:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. Sapagka't sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan.
Mga Hebreo 11:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)