Mga Hebreo 1:8-12
Mga Hebreo 1:8-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan. Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi; kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili; higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.” Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha ng kalangitan. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay kukupas, at ililigpit mong gaya ng isang balabal, at tulad ng damit, sila'y papalitan. Ngunit mananatili ka't hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo.”
Mga Hebreo 1:8-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit ito naman ang sinabi ng Dios tungkol sa kanyang Anak: “O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanman at ang paghahari moʼy makatuwiran. Kinalugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamuhian mo ang gumagawa ng masama. Kaya pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.” At sinabi pa niya sa kanyang Anak, “Sa simula, ikaw Panginoon, ang lumikha ng mundo at ng kalangitan. Maglalaho ang mga ito, ngunit mananatili ka magpakailanman. Maluluma itong lahat tulad ng damit. Titiklupin mo ang mga ito tulad ng isang balabal, at papalitan tulad ng damit. Ngunit hindi ka magbabago, at mananatili kang buhay magpakailanman.”
Mga Hebreo 1:8-12 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan. At, Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa, At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay: Sila'y mangapapahamak; datapuwa't ikaw ay nananatili: At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan; At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin, At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan: Nguni't ikaw ay ikaw rin, At ang iyong mga taon ay di matatapos.
Mga Hebreo 1:8-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan. Katarunga'y iyong mahal, sa masama'y namumuhi; kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili; higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.” Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula'y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha ng kalangitan. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay kukupas, at ililigpit mong gaya ng isang balabal, at tulad ng damit, sila'y papalitan. Ngunit mananatili ka't hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo.”
Mga Hebreo 1:8-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)