Habakuk 3:1-4
Habakuk 3:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ito ang panalangin ni Propeta Habakuk: “PANGINOON, narinig ko po ang tungkol sa inyong mga ginawa, at ako ay lubos na humanga sa inyo. Gawin nʼyong muli sa aming panahon ang ginawa nʼyo noon. At sa araw na ipadama nʼyo ang inyong galit, maawa kayo sa amin. “Ikaw ang Banal na Dios na darating mula sa Teman at sa Bundok ng Paran. At ang inyong kadakilaan ay makikita sa kalangitan, at dahil dito pupurihin kayo ng mga tao sa mundo. Darating kayong kasingliwanag ng araw; may sinag na lumalabas sa inyong mga kamay kung saan nakatago ang inyong kapangyarihan.
Habakuk 3:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth. Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot: Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan. Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema, At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah) Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit. At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan. At ang kaniyang ningning ay parang liwanag; Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay; At doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.
Habakuk 3:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ay panalangin ni Propeta Habakuk: O Yahweh, narinig ko ang tungkol sa inyong ginawa, at ako'y lubos na humanga. Ulitin ninyo ngayon sa aming panahon ang mga dakilang bagay na ginawa ninyo noon. Maging mahabagin kayo, kahit kapag kayo'y nagagalit. Ang Diyos ay muling nanggaling sa Teman, ang Banal na Diyos ay nagmula sa kaparangan ng Paran. Laganap sa kalangitan ang kanyang kaluwalhatian, at puno ang lupa ng papuri sa kanya. Darating siyang sinliwanag ng kidlat, na gumuguhit mula sa kanyang kamay; at doon natatago ang kanyang kapangyarihan.
Habakuk 3:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth. Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot: Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan. Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema, At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah) Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit. At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan. At ang kaniyang ningning ay parang liwanag; Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay; At doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan.
Habakuk 3:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)