Habakuk 2:2-4
Habakuk 2:2-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang tugon ni Yahweh: “Isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato ang pangitaing ipahahayag ko sa iyo, upang sa isang sulyap ay mabasa agad at maipabatid ito. Isulat mo ito sapagkat hindi pa panahon upang ito ay maganap. Ngunit mabilis na lilipas ang panahon, at mangyayari ang ipinakita ko sa iyo. Bagama't parang mabagal ito, hintayin mo. Tiyak na mangyayari at hindi maaantala ito. Ito ang mensahe: “Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.”
Habakuk 2:2-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ito ang sagot ng PANGINOON kay Habakuk: “Isulat nang malinaw sa sulatang bato ang pahayag na ito para madaling basahin. Isulat mo muna ito dahil hindi pa dumarating ang takdang panahon para mangyari ito. Ngunit hindi magtatagal at tiyak na mangyayari ito. Kahit magtagal nang kaunti, hintayin mo lang, dahil tiyak na mangyayari ito sa takdang panahon.” Ito ang isulat mo: “Tingnan mo ang mga taong mapagmataas. Hindi matuwid ang kanilang pamumuhay. Pero ang taong matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pananampalataya.
Habakuk 2:2-4 Ang Biblia (TLAB)
At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at nagsabi, Isulat mo ang pangitain, at iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon. Sapagka't ang pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal. Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya.
Habakuk 2:2-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang tugon ni Yahweh: “Isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato ang pangitaing ipahahayag ko sa iyo, upang sa isang sulyap ay mabasa agad at maipabatid ito. Isulat mo ito sapagkat hindi pa panahon upang ito ay maganap. Ngunit mabilis na lilipas ang panahon, at mangyayari ang ipinakita ko sa iyo. Bagama't parang mabagal ito, hintayin mo. Tiyak na mangyayari at hindi maaantala ito. Ito ang mensahe: “Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.”
Habakuk 2:2-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)