Habakuk 1:5
Habakuk 1:5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkatapos ay sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan, “Masdan mo ang mga bansang nakapalibot sa iyo at mamamangha ka at magugulat sa iyong makikita. Hindi magtatagal at mayroon akong gagawing hindi mo paniniwalaan kapag nabalitaan mo.
Habakuk 1:5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sumagot ang Dios, “Tingnan ninyong mabuti ang mga nangyayari sa mga bansa at talagang magtataka kayo sa inyong makikita. Sapagkat may gagawin ako sa inyong kapanahunan na hindi ninyo paniniwalaan kahit may magbalita pa nito sa inyo.
Habakuk 1:5 Ang Biblia (TLAB)
Mangagmasid kayo sa gitna ng mga bansa, at tumingin kayo at mamangha kayo ng kagilagilalas; sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga kaarawan na hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo.
Habakuk 1:5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)