Habakuk 1:12-13
Habakuk 1:12-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Yahweh, kayo ay Diyos na walang hanggan. Kayo ang aking Diyos, banal at magpakailanman. O Yahweh, aking Diyos at tanggulan, pinili ninyo ang mga taga-Babilonia at sila'y inyong pinalakas. O Batong matibay, inilagay mo sila upang kami'y pahirapan, upang kami'y parusahan. Ngunit paano ninyo natitiis ang mga taksil at masasamang taong ito? Napakabanal ng inyong paningin upang masdan ang kasamaan. Hindi ninyo matitiis ang mga taong gumagawa ng mali. Bakit hindi kayo kumikibo gayong pinupuksa nila ang mga taong higit na mabuti kaysa kanila?
Habakuk 1:12-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ni Habakuk, “O PANGINOON, kayo ay Dios mula pa noon. Kayo ang aking Dios, ang banal na Dios na walang kamatayan. O PANGINOON, ang Bato na kanlungan, pinili nʼyo ang mga taga-Babilonia para magparusa sa amin. Dahil banal kayo, hindi nʼyo matitiis na tingnan ang kasamaan at kaguluhan. Pero bakit nʼyo hinahayaan ang mga traydor na taga-Babilonia na gawin ito sa amin? Bakit nʼyo hinahayaang pagmalupitan ang mga taong hindi gaanong masama kung ihahambing sa kanila?
Habakuk 1:12-13 Ang Biblia (TLAB)
Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan, Oh Panginoon kong Dios, aking Banal? kami ay hindi mangamamatay. Oh Panginoon, iyong itinakda siya ukol sa kahatulan; at ikaw, Oh Malaking Bato, ay iyong itinatag siya na pinakasaway. Ikaw na may mga matang malinis kay sa tumingin ng kasuwailan, at hindi ka makatitingin sa kasamaan, bakit mo minamasdan ang nagsisigawa ng paglililo, at tumatahimik ka pagka sinasakmal ng masama ang tao na lalong matuwid kay sa kaniya
Habakuk 1:12-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Yahweh, kayo ay Diyos na walang hanggan. Kayo ang aking Diyos, banal at magpakailanman. O Yahweh, aking Diyos at tanggulan, pinili ninyo ang mga taga-Babilonia at sila'y inyong pinalakas. O Batong matibay, inilagay mo sila upang kami'y pahirapan, upang kami'y parusahan. Ngunit paano ninyo natitiis ang mga taksil at masasamang taong ito? Napakabanal ng inyong paningin upang masdan ang kasamaan. Hindi ninyo matitiis ang mga taong gumagawa ng mali. Bakit hindi kayo kumikibo gayong pinupuksa nila ang mga taong higit na mabuti kaysa kanila?
Habakuk 1:12-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)