Genesis 8:21-22
Genesis 8:21-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang maamoy ni Yahweh ang mabangong samyo nito, sinabi niya sa sarili, “Hindi ko na susumpain ang lupa dahil sa gawa ng tao bagama't alam kong masama ang kanyang isipan mula sa kanyang kabataan. Hindi ko na lilipuling muli ang anumang may buhay kagaya ng ginawa ko ngayon. Hanggang naririto't buo ang daigdig, tagtanim, tag-ani, palaging sasapit; tag-araw, tag-ulan, tag-init, taglamig, ang araw at gabi'y hindi mapapatid.”
Genesis 8:21-22 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang naamoy ng PANGINOON ang mabangong samyo nito, sinabi niya sa kanyang sarili, “Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa ginawa ng tao, kahit alam kong makasalanan ang tao mula nang bata pa siya. Hindi ko na talaga muling lilipulin ang lahat ng nabubuhay katulad ng aking ginawa noon. Habang nagpapatuloy ang mundo, may panahon ng pagtatanim at pag-ani. May taglamig at may tag-init, may tag-ulan at may tag-araw, at may araw at may gabi.”
Genesis 8:21-22 Ang Biblia (TLAB)
At sinamyo ng Panginoon ang masarap na amoy; at nagsabi ang Panginoon sa sarili, Hindi ko na muling susumpain ang lupa, dahil sa tao, sapagka't ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata; ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa. Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tagaraw at taginaw, at ang araw at gabi.
Genesis 8:21-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang maamoy ni Yahweh ang mabangong samyo nito, sinabi niya sa sarili, “Hindi ko na susumpain ang lupa dahil sa gawa ng tao bagama't alam kong masama ang kanyang isipan mula sa kanyang kabataan. Hindi ko na lilipuling muli ang anumang may buhay kagaya ng ginawa ko ngayon. Hanggang naririto't buo ang daigdig, tagtanim, tag-ani, palaging sasapit; tag-araw, tag-ulan, tag-init, taglamig, ang araw at gabi'y hindi mapapatid.”
Genesis 8:21-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)