Genesis 50:18-20
Genesis 50:18-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Lumapit lahat ang kanyang mga kapatid at yumuko sa harapan niya. “Kami'y mga alipin mo,” wika nila. Ngunit sinabi ni Jose, “Huwag kayong matakot! Maaari ko bang palitan ang Diyos? Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami ngayon.
Genesis 50:18-20 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Hindi nagtagal, lumapit sa kanya ang kanyang mga kapatid at silaʼy nagpatirapa sa kanyang harapan. Pagkatapos, sinabi nila, “Handa kaming maging alipin mo.” Ngunit sumagot si Jose, “Huwag kayong matakot. Bakit, ako ba ang Diyos? Binalak nga ninyong gawan ako ng masama, ngunit binalak naman ng Diyos na magdulot ito ng mabuti upang mailigtas ang maraming buhay na siyang nangyayari ngayon.
Genesis 50:18-20 Ang Biblia (TLAB)
At naparoon ang kaniyang mga kapatid naman at nagpatirapa sa harap niya; at kanilang sinabi, Narito, kaming iyong mga lingkod. At sinabi ni Jose sa kanila, Huwag kayong matakot, sapagka't nasa kalagayan ba ako ng Dios? At tungkol sa inyo ay inyong ipinalagay na kasamaan laban sa akin; nguni't ipinalagay ng Dios na kabutihan upang mangyari ang gaya sa araw na ito, na iligtas ang buhay ng maraming tao.
Genesis 50:18-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Lumapit lahat ang kanyang mga kapatid at yumuko sa harapan niya. “Kami'y mga alipin mo,” wika nila. Ngunit sinabi ni Jose, “Huwag kayong matakot! Maaari ko bang palitan ang Diyos? Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami ngayon.
Genesis 50:18-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)