Genesis 47:2-6
Genesis 47:2-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ipinakilala niya agad sa Faraon ang lima sa kanyang kapatid. Tinanong sila ng Faraon, “Ano ang trabaho ninyo?” Sumagot sila, “Mga pastol po kami ng hayop, katulad ng mga magulang namin. Pumunta kami rito para pansamantalang manirahan dahil matindi po ang taggutom sa Canaan, at wala na kaming mapagpastulan ng mga hayop namin. Hinihiling po namin sa inyo na kung maaari ay payagan nʼyo kaming manirahan sa Goshen.” Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ngayong dumating na ang iyong ama at mga kapatid, nakabukas ang Egipto para sa pamilya ninyo. Patirahin sila sa Goshen, na isa sa magagandang lupain sa Egipto. Kung may mapipili ka sa kanila na mapagkakatiwalaan, gawin silang tagapagbantay ng mga hayop ko.”
Genesis 47:2-6 Ang Biblia (TLAB)
At sa kaniyang mga kapatid ay nagsama siya ng limang lalake, at mga iniharap niya kay Faraon. At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga kapatid, Ano ang inyong hanapbuhay? At kanilang sinabi kay Faraon, Ang iyong mga lingkod ay mga pastor, kami at gayon din ang aming mga magulang. At kanilang sinabi kay Faraon, Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami; sapagka't walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan: ngayon nga, ay isinasamo namin sa iyo, na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay tumahan sa lupain ng Gosen. At sinalita ni Faraon kay Jose, na sinasabi, Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo: Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo; sa pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid; sa lupain ng Gosen patirahin mo sila: at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila, ay papamahalain mo sa aking hayop.
Genesis 47:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Isinama ni Jose ang lima sa kanyang mga kapatid at nagpunta sa Faraon. Sinabi niya, “Dumating na po ang aking ama't mga kapatid buhat sa Canaan, dala ang kanilang mga kawan, at lahat ng ari-arian. Naroon po sila ngayon sa Goshen.” At ipinakilala niya sa Faraon ang kanyang mga kapatid. Tinanong sila ng Faraon, “Ano ang trabaho ninyo?” “Kami po'y mga pastol, tulad ng aming mga ninuno,” tugon nila. “Nakarating po kami rito sapagkat sa amin sa Canaan ay wala na kaming mapagpastulan. Kung maaari po, doon na ninyo kami patirahin sa lupain ng Goshen.” Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ngayong narito na ang iyong ama at mga kapatid, at ikaw naman ang namamahala sa buong Egipto, ibigay mo sa kanila ang pinakamainam na lupain. Doon mo sila patirahin sa Goshen. Kung may mapipili kang mahuhusay na pastol, sila ang pamahalain mo sa aking mga kawan.”
Genesis 47:2-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At sa kaniyang mga kapatid ay nagsama siya ng limang lalake, at mga iniharap niya kay Faraon. At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga kapatid, Ano ang inyong hanapbuhay? At kanilang sinabi kay Faraon, Ang iyong mga lingkod ay mga pastor, kami at gayon din ang aming mga magulang. At kanilang sinabi kay Faraon, Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami; sapagka't walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan: ngayon nga, ay isinasamo namin sa iyo, na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay tumahan sa lupain ng Gosen. At sinalita ni Faraon kay Jose, na sinasabi, Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo: Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo; sa pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid; sa lupain ng Gosen patirahin mo sila: at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila, ay papamahalain mo sa aking hayop.
Genesis 47:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)