Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 44:1-34

Genesis 44:1-34 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Inutusan ni Jose ang kanyang katiwala, “Punuin mo ng trigo ang kanilang mga sako at bago mo isara ay ilagay mo ang salaping ibinayad nila. At sa sako ng pinakabunso, ilagay mo pa ang aking kopang pilak.” Ginawa naman ng katiwala ang iniutos sa kanya. Kinabukasan, maaga pa'y umalis na ang magkakapatid, sakay ng kanilang mga asno. Hindi pa sila nakakalayo sa lunsod, inutusan ni Jose ang kanyang katiwala, “Habulin mo ang mga taong iyon, at sabihin mo sa kanila, ‘Bakit naman ginantihan ninyo ng masama ang kabutihang ipinakita namin sa inyo? Bakit ninyo ninakaw ang kopang pilak ng aking panginoon? Iyon ang iniinuman ng aking panginoon, at ginagamit din niya iyon sa panghuhula. Napakalaking kasalanan ang ginawa ninyong ito!’” Inabutan sila ng katiwala, at gayon nga ang sinabi sa kanila. Sumagot naman sila, “Ano pong ibig ninyong sabihin? Bakit kayo nagsalita ng ganyan? Ni sa isip ay hindi namin magagawa iyan! Nakita naman ninyo, nakarating na kami sa Canaan, gayunma'y ibinalik pa rin namin sa inyo ang salaping nakita namin sa loob ng aming sako. Bakit kami magnanakaw ng pilak o ginto sa tahanan ng inyong panginoon? Ginoo, kung makita po ninyo sa sinuman sa amin ang kopang sinasabi ninyo ay dapat mamatay, at alipinin ninyo kaming lahat.” “Mabuti,” tugon ng katiwala. “Kung kanino makita ang kopa, siya ang gagawing alipin; makakalaya na ang iba.” Ibinabâ nila ang kanilang mga sako at pinagbubuksan. Isa-isa itong hinalughog ng katiwala mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, at natagpuan ang kopa sa sako ni Benjamin. Pinunit nila ang kanilang damit sa tindi ng kalungkutan, ikinargang muli sa asno ang kanilang mga sako, at bumalik sa lunsod. Nasa bahay pa si Jose nang magbalik si Juda at ang kanyang mga kapatid. Pagdating doon, sila'y yumukod sa kanyang harapan. Sinabi ni Jose, “Ano itong ginawa ninyo? Hindi ba ninyo alam na marunong akong manghula? Wala kayong maitatago sa akin!” “Wala na po kaming masasabi,” sagot ni Juda. “Wala po kaming maikakatuwiran sa mga pangyayari. Diyos na po ang nagbunyag ng aming pagkakasala. Kaya, hindi lamang ang kinakitaan ng kopa, kundi lahat kami'y alipin na ninyo ngayon.” Sinabi ni Jose, “Hindi! Hindi ko gagawin iyon. Kung kanino nakita ang kopa, siya ang gagawin kong alipin; ang iba ay makakauwi na sa inyong ama.” Lumapit si Juda kay Jose at ang sabi, “Nakikiusap po ako, ginoo, kung inyong mamarapatin. Huwag sana ninyong ikagagalit. Ang turing ko sa inyo'y para na kayong Faraon. Ginoo, tinanong ninyo kung mayroon pa kaming ama at kapatid. Ang sabi po nami'y may ama kaming matanda na at bunsong kapatid na anak niya sa katandaan. Patay na ang kapatid nito at siya na lamang ang buháy na anak ng kanyang ina, kaya mahal na mahal siya ng aming ama. Iniutos ninyong dalhin namin siya rito upang inyong makita. Ipinaliwanag po naming mahirap ilayo sa aming ama ang bata sapagkat maaaring ikamatay niya ito. Ngunit ang sabi naman ninyo'y hindi na ninyo kami tatanggapin dito kung hindi namin siya maihaharap sa inyo. “Ang lahat ng ito'y sinabi namin sa aming ama nang umuwi kami. Muli kaming inutusan ng aming ama na pumarito upang bumili ng kaunting pagkain. Ipinaalala namin sa kanya na hindi ninyo kami tatanggapin kung hindi kasama ang bunso naming kapatid. Sinabi po niya sa amin, ‘Alam naman ninyong dalawa lamang ang anak ng kanilang ina. Wala na ang isa; maaaring siya'y niluray ng mabangis na hayop. At kung ang natitira ay isasama pa ninyo, maaaring mamatay ako sa dalamhati.’ “Ang buhay po ng aming ama ay karugtong na ng buhay ng bata, kaya kung babalik kami na hindi ito kasama, tiyak na siya'y mamamatay. Kapag nakita niyang hindi namin kasama ang bata, malalagutan siya ng hininga dahil sa kalungkutan. Ang isa pa'y itinaya ko ang aking buhay para sa bata. Sinabi ko po na kung siya'y hindi ko maibabalik, ako ang buntunan niya ng sisi. Kaya kung papayag kayo, ako na ang alipinin ninyo sa halip na itong aking bunsong kapatid. Pahintulutan na ninyong isama siya ng iba kong mga kapatid. Hindi po ako makakauwi kung hindi kasama si Benjamin. Hindi ko po makakayanan ang matinding dagok na darating sa aming ama, kung iyon ang mangyayari.”

Genesis 44:1-34 Ang Salita ng Dios (ASND)

Samantala, inutusan ni Jose ang tagapamahalang alipin sa kanyang bahay. Sinabi niya, “Punuin ninyo ng pagkain ang mga sako ng magkakapatid ayon sa kanilang makakaya, at ilagay sa mga sako nila ang perang ibinayad nila. Ilagay ninyo ang aking kopang pilak sa sako ng bunso kasama ng perang ibinayad niya sa pagkain.” Ginawa ng tagapamahalang alipin niya ang sinabi ni Jose. Kinabukasan, maagang umalis ang magkakapatid na dala-dala ang kanilang sako. Hindi pa sila nakakalayo sa lungsod nang sabihin ni Jose sa kanyang tagapamahalang alipin, “Bilis, habulin mo ang mga taong iyon! At kung maabutan mo silaʼy sabihin mo sa kanila, ‘Bakit masama ang iginanti ninyo sa mabuting ipinakita namin sa inyo? Bakit kinuha ninyo ang kopa na iniinuman ng aking amo at ginagamit niya sa panghuhula? Masama ang ginawa ninyong ito.’ ” Naabutan ng tagapamahalang alipin ang magkakapatid at sinabi niya ito sa kanila. Sinabi nila sa tagapamahalang alipin, “Paano po ninyo nasabi iyan? Imposibleng gawin namin ang bagay na iyan. Alam nʼyo rin na mula sa Canaan ay dinala namin pabalik sa inyo ang perang nakita namin sa aming mga sako. Kaya bakit magnanakaw pa kami ng pilak o ginto sa bahay ng amo ninyo? Kapag nakita nʼyo ang kopa na iyan sa isa sa amin, patayin nʼyo siya at magiging alipin nʼyo kami.” Sinabi ng tagapamahalang alipin, “Sige, Kapag nakita ko ang kopa sa isa sa inyo ay magiging alipin ko siya, at ang matitira sa inyoʼy walang pananagutan.” Kaya nagmadaling ibinaba ng bawat isa ang mga sako nila at binuksan ito. Agad na hinanap ng tagapamahalang alipin ang kopa sa mga sako, magmula sa panganay hanggang sa bunso, at ang kopa ay nakita sa sako ni Benjamin. Nang makita ito ng magkakapatid, pinunit nila ang kanilang mga damit sa sobrang kalungkutan. Muli nilang isinakay sa asno ang mga sako nila at bumalik sa lungsod. Nang dumating si Juda at ang mga kapatid niya sa Egipto, naroon pa rin si Jose sa bahay niya. Pumasok sila sa bahay at lumuhod sa harapan ni Jose. Sinabi ni Jose sa kanila, “Ano ba itong ginawa ninyo? Hindi nʼyo ba alam na marunong akong manghula? Kaya wala kayong maitatago sa akin.” Sinabi ni Juda, “Mahal na Gobernador, wala na po kaming ikakatuwiran pa sa inyo, at hindi po namin masasabi na hindi kami nagkasala. Ang Dios po ang siyang naghayag ng aming kasalanan. Ngayon, lahat po kami ay alipin na ninyo – kami at ang isa na nakitaan ng kopa.” Pero sinabi ni Jose, “Hindi ko magagawa iyan. Kung kanino lang nakita ang kopa siya lang ang magiging alipin ko. At makakauwi na kayo sa inyong ama nang matiwasay.” Lumapit si Juda kay Jose at sinabi, “Hinihiling ko sa inyo Mahal na Gobernador, na kung maaari, pakinggan nʼyo ako. Huwag sana kayong magalit sa akin, kayo na gaya ng Faraon. Tinanong nʼyo kami noon kung mayroon pa kaming ama at kapatid, at sinagot po namin na may ama pa kami na matanda na, at may bunso kaming kapatid na ipinanganak sa kanyang katandaan. Sinabi po namin na patay na ang kapatid niya at siya na lang ang naiwan sa kanilang magkakapatid na buo, at mahal na mahal po siya ng aming ama. “Sinabi rin po namin na dadalhin namin siya sa inyo para makita nʼyo rin siya. Sinabi namin sa inyo na hindi maaaring iwanan ng bunsong kapatid namin ang aming ama, dahil baka ang pag-alis ng kanyang anak ang siyang ikamatay niya. Pero sinabi nʼyo po sa amin na huwag kaming magpapakita sa inyo kung hindi namin kasama ang aming bunsong kapatid. Ang lahat ng itoʼy sinabi namin sa aming ama noong umuwi kami. “Hindi nagtagal, sinabi ng aming ama na muli kaming bumalik dito at bumili ng pagkain. Pero sinabi po namin sa kanya na makakaalis lang kami kung kasama namin ang aming bunsong kapatid, dahil hindi kami maaaring magpakita sa inyo kung hindi namin kasama ang bunso namin. “Ito ang isinagot niya sa amin, ‘Alam nʼyo naman na dalawa lang ang anak ko sa asawa kong si Raquel. Ang isaʼy wala na; maaaring niluray-luray siya ng mababangis na hayop. At hanggang ngayoʼy hindi ko pa siya nakikita. Kung kukunin nʼyo pa ang isang ito na naiwan sa akin, at kung may mangyari sa kanya, baka mamatay ako dahil sa sobrang paghihirap ng aking kalooban.’ “Kaya, ang buhay po ng aming ama ay nakasalalay sa buhay ng kanyang anak. Kung uuwi kami na hindi namin siya kasama, tiyak na mamamatay sa kalungkutan ang aming ama na matanda na. Itinaya ko ang aking buhay para sa kanyang anak. Sinabi ko po sa aking ama na kung hindi ko maibabalik sa kanya ang kanyang anak, ako ang dapat sisihin habang buhay. “Kaya Mahal na Gobernador, ako na lang po ang magpapaiwan dito bilang alipin ninyo sa halip na ang kanyang anak, at payagan nʼyo na lang po siyang makauwi kasama ng mga kapatid niya. Hindi po ako pwedeng umuwi nang hindi kasama ang anak niya. Hindi ko po kayang tiisin na makita ang masamang mangyayari sa aming ama.”

Genesis 44:1-34 Ang Biblia (TLAB)

At kaniyang iniutos sa katiwala ng kaniyang bahay, na sinasabi, Punuin mo ng mga pagkain ang mga bayong ng mga lalaking ito, kung gaano ang kanilang madadala: at ilagay mo ang salapi ng bawa't isa sa labi ng kanikaniyang bayong. At ilagay mo ang aking saro, ang sarong pilak, sa labi ng bayong ng bunso, at ang salapi ng kaniyang trigo. At ginawa niya ang ayon sa salita na sinalita ni Jose. At pagliliwanag ng kinaumagahan, ay pinapagpaalam ang mga lalake, sila at ang kanilang mga asno. Nang sila'y mangakalabas na sa bayan, at hindi pa sila nalalayo, ay sinabi ni Jose sa katiwala ng kaniyang bahay, Bumangon ka habulin mo ang mga lalake; at pagka sila'y iyong inabutan, ay sabihin mo sa kanila, Bakit iginanti ninyo ay kasamaan sa kabutihan? Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon, at tunay na kaniyang ipinanghuhula? Kayo'y gumawa ng masama sa paggawa ng ganiyan. At kaniyang inabutan sila, at kaniyang sinalita sa kanila ang mga ito. At kanilang sinabi sa kaniya, Bakit sinalita ng aking panginoon ang mga salitang ito? Huwag itulot ng Dios na gumawa ang iyong mga lingkod ng ganiyang bagay. Narito, ang salapi na aming nasumpungan sa labi ng aming mga bayong ay aming isinauli sa iyo mula sa lupain ng Canaan: paano ngang kami ay magnanakaw sa bahay ng iyong panginoon ng pilak o ginto? Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon. At kaniyang sinabi, Mangyari nga ang ayon sa inyong mga salita; yaong kasumpungan ay magiging aking alipin; at kayo'y mawawalan ng sala. Nang magkagayo'y nagmadali sila, at ibinaba ng bawa't isa ang kaniyang bayong sa lupa, at binuksan ng bawa't isa ang kaniyang bayong. At kaniyang sinaliksik, na pinasimulan sa panganay at niwakasan sa bunso; at nasumpungan ang saro sa bayong ni Benjamin. Nang magkagayo'y kanilang hinapak ang kanilang mga suot, at pinasanan ng bawa't isa ang kaniyang asno, at nagsibalik sa bayan. At si Juda at ang kaniyang mga kapatid ay dumating sa bahay ni Jose at siya'y nandoon pa, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya. At sinabi sa kanila ni Jose, Anong gawa itong inyong ginawa? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula? At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro. At kaniyang sinabi, Huwag nawang itulot ng Dios na ako'y gumawa ng ganiyan; ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapuwa't tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama. Nang magkagayo'y lumapit si Juda sa kaniya, at nagsabi, Oh panginoon ko, ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod, ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon, at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay parang si Faraon. Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod, na sinasabi; Kayo ba'y mayroong ama o kapatid? At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama. At sinabi mo sa iyong mga lingkod, Dalhin ninyo rito sa akin, upang mamasdan ko siya ng aking mga mata. At aming sinabi sa aking panginoon, Hindi maiiwan ng bata ang kaniyang ama: sapagka't kung iiwan niya ang kaniyang ama, ay mamamatay ang ama niya. At iyong sinabi sa iyong mga lingkod, Hindi na ninyo makikita ang aking mukha, malibang inyong ipagsamang bumaba ang inyong kapatid na bunso. At nangyari nang panhikin namin ang inyong lingkod na aking ama, ay aming isinaysay sa kaniya ang mga salita ng aking panginoon. At sinabi ng aming ama, Pumaroon kayo uli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain. At aming sinabi, Hindi kami makabababa: kung ang aming bunsong kapatid ay kasama namin ay bababa nga kami: sapagka't hindi namin makikita ang mukha ng lalaking yaon, malibang ang aming bunsong kapatid ay kasama namin. At sinabi ng iyong lingkod na aming ama sa amin, Inyong talastas na ang aking asawa ay nagkaanak sa akin ng dalawang lalake: At ang isa'y umalis sa akin, at aking sinabi, Tunay na siya'y nalapa; at hindi ko siya nakita mula noon. At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan. Ngayon nga'y kung ako'y dumating sa iyong lingkod na aking ama, at ang bata ay hindi namin kasama; sapagka't ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan; Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama, na mamamatay siya: at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama. Sapagka't ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama, na nagsasabi: Kung hindi ko siya dalhin sa iyo, ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man. Ngayon nga, ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod, aking isinasamo sa iyo, ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid. Sapagka't paanong paroroon ako sa aking ama, at ang bata'y di ko kasama? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama.

Genesis 44:1-34 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Inutusan ni Jose ang kanyang katiwala, “Punuin mo ng trigo ang kanilang mga sako at bago mo isara ay ilagay mo ang salaping ibinayad nila. At sa sako ng pinakabunso, ilagay mo pa ang aking kopang pilak.” Ginawa naman ng katiwala ang iniutos sa kanya. Kinabukasan, maaga pa'y umalis na ang magkakapatid, sakay ng kanilang mga asno. Hindi pa sila nakakalayo sa lunsod, inutusan ni Jose ang kanyang katiwala, “Habulin mo ang mga taong iyon, at sabihin mo sa kanila, ‘Bakit naman ginantihan ninyo ng masama ang kabutihang ipinakita namin sa inyo? Bakit ninyo ninakaw ang kopang pilak ng aking panginoon? Iyon ang iniinuman ng aking panginoon, at ginagamit din niya iyon sa panghuhula. Napakalaking kasalanan ang ginawa ninyong ito!’” Inabutan sila ng katiwala, at gayon nga ang sinabi sa kanila. Sumagot naman sila, “Ano pong ibig ninyong sabihin? Bakit kayo nagsalita ng ganyan? Ni sa isip ay hindi namin magagawa iyan! Nakita naman ninyo, nakarating na kami sa Canaan, gayunma'y ibinalik pa rin namin sa inyo ang salaping nakita namin sa loob ng aming sako. Bakit kami magnanakaw ng pilak o ginto sa tahanan ng inyong panginoon? Ginoo, kung makita po ninyo sa sinuman sa amin ang kopang sinasabi ninyo ay dapat mamatay, at alipinin ninyo kaming lahat.” “Mabuti,” tugon ng katiwala. “Kung kanino makita ang kopa, siya ang gagawing alipin; makakalaya na ang iba.” Ibinabâ nila ang kanilang mga sako at pinagbubuksan. Isa-isa itong hinalughog ng katiwala mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, at natagpuan ang kopa sa sako ni Benjamin. Pinunit nila ang kanilang damit sa tindi ng kalungkutan, ikinargang muli sa asno ang kanilang mga sako, at bumalik sa lunsod. Nasa bahay pa si Jose nang magbalik si Juda at ang kanyang mga kapatid. Pagdating doon, sila'y yumukod sa kanyang harapan. Sinabi ni Jose, “Ano itong ginawa ninyo? Hindi ba ninyo alam na marunong akong manghula? Wala kayong maitatago sa akin!” “Wala na po kaming masasabi,” sagot ni Juda. “Wala po kaming maikakatuwiran sa mga pangyayari. Diyos na po ang nagbunyag ng aming pagkakasala. Kaya, hindi lamang ang kinakitaan ng kopa, kundi lahat kami'y alipin na ninyo ngayon.” Sinabi ni Jose, “Hindi! Hindi ko gagawin iyon. Kung kanino nakita ang kopa, siya ang gagawin kong alipin; ang iba ay makakauwi na sa inyong ama.” Lumapit si Juda kay Jose at ang sabi, “Nakikiusap po ako, ginoo, kung inyong mamarapatin. Huwag sana ninyong ikagagalit. Ang turing ko sa inyo'y para na kayong Faraon. Ginoo, tinanong ninyo kung mayroon pa kaming ama at kapatid. Ang sabi po nami'y may ama kaming matanda na at bunsong kapatid na anak niya sa katandaan. Patay na ang kapatid nito at siya na lamang ang buháy na anak ng kanyang ina, kaya mahal na mahal siya ng aming ama. Iniutos ninyong dalhin namin siya rito upang inyong makita. Ipinaliwanag po naming mahirap ilayo sa aming ama ang bata sapagkat maaaring ikamatay niya ito. Ngunit ang sabi naman ninyo'y hindi na ninyo kami tatanggapin dito kung hindi namin siya maihaharap sa inyo. “Ang lahat ng ito'y sinabi namin sa aming ama nang umuwi kami. Muli kaming inutusan ng aming ama na pumarito upang bumili ng kaunting pagkain. Ipinaalala namin sa kanya na hindi ninyo kami tatanggapin kung hindi kasama ang bunso naming kapatid. Sinabi po niya sa amin, ‘Alam naman ninyong dalawa lamang ang anak ng kanilang ina. Wala na ang isa; maaaring siya'y niluray ng mabangis na hayop. At kung ang natitira ay isasama pa ninyo, maaaring mamatay ako sa dalamhati.’ “Ang buhay po ng aming ama ay karugtong na ng buhay ng bata, kaya kung babalik kami na hindi ito kasama, tiyak na siya'y mamamatay. Kapag nakita niyang hindi namin kasama ang bata, malalagutan siya ng hininga dahil sa kalungkutan. Ang isa pa'y itinaya ko ang aking buhay para sa bata. Sinabi ko po na kung siya'y hindi ko maibabalik, ako ang buntunan niya ng sisi. Kaya kung papayag kayo, ako na ang alipinin ninyo sa halip na itong aking bunsong kapatid. Pahintulutan na ninyong isama siya ng iba kong mga kapatid. Hindi po ako makakauwi kung hindi kasama si Benjamin. Hindi ko po makakayanan ang matinding dagok na darating sa aming ama, kung iyon ang mangyayari.”

Genesis 44:1-34 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

At kaniyang iniutos sa katiwala ng kaniyang bahay, na sinasabi, Punuin mo ng mga pagkain ang mga bayong ng mga lalaking ito, kung gaano ang kanilang madadala: at ilagay mo ang salapi ng bawa't isa sa labi ng kanikaniyang bayong. At ilagay mo ang aking saro, ang sarong pilak, sa labi ng bayong ng bunso, at ang salapi ng kaniyang trigo. At ginawa niya ang ayon sa salita na sinalita ni Jose. At pagliliwanag ng kinaumagahan, ay pinapagpaalam ang mga lalake, sila at ang kanilang mga asno. Nang sila'y mangakalabas na sa bayan, at hindi pa sila nalalayo, ay sinabi ni Jose sa katiwala ng kaniyang bahay, Bumangon ka habulin mo ang mga lalake; at pagka sila'y iyong inabutan, ay sabihin mo sa kanila, Bakit iginanti ninyo ay kasamaan sa kabutihan? Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon, at tunay na kaniyang ipinanghuhula? Kayo'y gumawa ng masama sa paggawa ng ganiyan. At kaniyang inabutan sila, at kaniyang sinalita sa kanila ang mga ito. At kanilang sinabi sa kaniya, Bakit sinalita ng aking panginoon ang mga salitang ito? Huwag itulot ng Dios na gumawa ang iyong mga lingkod ng ganiyang bagay. Narito, ang salapi na aming nasumpungan sa labi ng aming mga bayong ay aming isinauli sa iyo mula sa lupain ng Canaan: paano ngang kami ay magnanakaw sa bahay ng iyong panginoon ng pilak o ginto? Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon. At kaniyang sinabi, Mangyari nga ang ayon sa inyong mga salita; yaong kasumpungan ay magiging aking alipin; at kayo'y mawawalan ng sala. Nang magkagayo'y nagmadali sila, at ibinaba ng bawa't isa ang kaniyang bayong sa lupa, at binuksan ng bawa't isa ang kaniyang bayong. At kaniyang sinaliksik, na pinasimulan sa panganay at niwakasan sa bunso; at nasumpungan ang saro sa bayong ni Benjamin. Nang magkagayo'y kanilang hinapak ang kanilang mga suot, at pinasanan ng bawa't isa ang kaniyang asno, at nagsibalik sa bayan. At si Juda at ang kaniyang mga kapatid ay dumating sa bahay ni Jose at siya'y nandoon pa, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya. At sinabi sa kanila ni Jose, Anong gawa itong inyong ginawa? Hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula? At sinabi ni Juda: Anong aming sasabihin sa aming panginoon? anong aming sasalitain? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro. At kaniyang sinabi, Huwag nawang itulot ng Dios na ako'y gumawa ng ganiyan; ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapuwa't tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama. Nang magkagayo'y lumapit si Juda sa kaniya, at nagsabi, Oh panginoon ko, ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod, ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon, at huwag nawang magalab ang iyong loob laban sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay parang si Faraon. Tinanong ng aking panginoon ang kaniyang mga lingkod, na sinasabi; Kayo ba'y mayroong ama o kapatid? At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama. At sinabi mo sa iyong mga lingkod, Dalhin ninyo rito sa akin, upang mamasdan ko siya ng aking mga mata. At aming sinabi sa aking panginoon, Hindi maiiwan ng bata ang kaniyang ama: sapagka't kung iiwan niya ang kaniyang ama, ay mamamatay ang ama niya. At iyong sinabi sa iyong mga lingkod, Hindi na ninyo makikita ang aking mukha, malibang inyong ipagsamang bumaba ang inyong kapatid na bunso. At nangyari nang panhikin namin ang inyong lingkod na aking ama, ay aming isinaysay sa kaniya ang mga salita ng aking panginoon. At sinabi ng aming ama, Pumaroon kayo uli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain. At aming sinabi, Hindi kami makabababa: kung ang aming bunsong kapatid ay kasama namin ay bababa nga kami: sapagka't hindi namin makikita ang mukha ng lalaking yaon, malibang ang aming bunsong kapatid ay kasama namin. At sinabi ng iyong lingkod na aming ama sa amin, Inyong talastas na ang aking asawa ay nagkaanak sa akin ng dalawang lalake: At ang isa'y umalis sa akin, at aking sinabi, Tunay na siya'y nalapa; at hindi ko siya nakita mula noon. At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan. Ngayon nga'y kung ako'y dumating sa iyong lingkod na aking ama, at ang bata ay hindi namin kasama; sapagka't ang kaniyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan; Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama, na mamamatay siya: at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama. Sapagka't ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama, na nagsasabi: Kung hindi ko siya dalhin sa iyo, ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man. Ngayon nga, ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod, aking isinasamo sa iyo, ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kaniyang mga kapatid. Sapagka't paanong paroroon ako sa aking ama, at ang bata'y di ko kasama? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya