Genesis 3:23-24
Genesis 3:23-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan. Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.
Genesis 3:23-24 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kaya pinaalis siya ng PANGINOONG Dios sa halamanan ng Eden para sakahin ang lupa na pinagmulan niya. Nang mapaalis na ng PANGINOONG Dios ang tao, naglagay siya ng mga kerubin sa bandang silangan ng halamanan ng Eden. At naglagay din siya ng espada na naglalagablab at umiikot para walang makalapit sa puno na nagbibigay ng buhay.
Genesis 3:23-24 Ang Biblia (TLAB)
Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya. Ano pa't itinaboy ang lalake; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga Querubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang ingatan ang daang patungo sa kahoy ng buhay.
Genesis 3:23-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan. Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.
Genesis 3:23-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)