Genesis 3:16-18
Genesis 3:16-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi rin niya sa babae, “Dahil sa ginawa mo, dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak. Pero sa kabila niyan, hahangarin mo pa rin ang iyong asawa at maghahari siya sa iyo.” Sinabi rin niya sa lalaki, “Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo, susumpain ko ang lupa! Kaya sa buong buhay mo ay magpapakahirap ka nang husto para makakain. Tutubo sa lupa ang mga damo at halamang may tinik. Ang kakainin moʼy manggagaling sa mga pananim sa bukid.
Genesis 3:16-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa babae nama'y ito ang sinabi: “Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin, at sa panganganak sakit ay titiisin; ang asawang lalaki'y iyong nanasain, pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin.” Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan: “Dahil nakinig ka sa iyong asawa, nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula. Mga damo at tinik ang iyong aanihin, halaman sa gubat ang iyong kakainin
Genesis 3:16-18 Ang Biblia (TLAB)
Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo. At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay; Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang
Genesis 3:16-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa babae nama'y ito ang sinabi: “Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin, at sa panganganak sakit ay titiisin; ang asawang lalaki'y iyong nanasain, pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin.” Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan: “Dahil nakinig ka sa iyong asawa, nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula. Mga damo at tinik ang iyong aanihin, halaman sa gubat ang iyong kakainin
Genesis 3:16-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)