Genesis 26:12-14
Genesis 26:12-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang taóng iyon, si Isaac ay nagsaka sa lupain ng Gerar at makasandaang ibayo ang kanyang inani kaysa kanyang itinanim. Pinagpala siya ni Yahweh. Patuloy na lumago ang kanyang kabuhayan, at siya'y naging napakayaman. Nainggit sa kanya ang mga Filisteo sapagkat marami siyang alipin at mga kawan ng tupa at baka.
Genesis 26:12-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang taon ding iyon nagtanim si Isaac sa lugar na iyon at masaganang-masagana ang kanyang ani, dahil pinagpala siya ng PANGINOON. Nagpatuloy ang pag-unlad niya hanggang sa yumaman siya nang husto. Nainggit sa kanya ang mga Filisteo dahil marami na ang kanyang tupa, kambing, baka at alipin.
Genesis 26:12-14 Ang Biblia (TLAB)
At si Isaac ay naghasik sa lupaing yaon, at umani siya ng taong yaon, ng tigisang daan at pinagpala siya ng Panginoon. At naging dakila ang lalake at lalo't lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila. At siya'y may tinatangkilik na mga kawan, at mga tinatangkilik na mga bakahan, at malaking sangbahayan: at kinainggitan siya ng mga Filisteo.
Genesis 26:12-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang taóng iyon, si Isaac ay nagsaka sa lupain ng Gerar at makasandaang ibayo ang kanyang inani kaysa kanyang itinanim. Pinagpala siya ni Yahweh. Patuloy na lumago ang kanyang kabuhayan, at siya'y naging napakayaman. Nainggit sa kanya ang mga Filisteo sapagkat marami siyang alipin at mga kawan ng tupa at baka.
Genesis 26:12-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)