Genesis 25:21-23
Genesis 25:21-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi magkaanak si Rebeca, kaya't nanalangin kay Yahweh si Isaac. Dininig naman siya at si Rebeca'y naglihi. Kambal ang kanyang dinadala at nasa tiyan pa'y nagtutulakan na ang dalawa. Kaya't nasabi ng ina, “Kung ngayon pa'y ganito na ang nangyayari sa akin, bakit pa ako mabubuhay?” Kaya't siya'y nagtanong kay Yahweh. Ganito naman ang sagot ni Yahweh: “Dalawang sanggol ang dala mo sa loob ng iyong tiyan, larawan ng dalawang bansa na magiging magkalaban; magiging higit na malakas ang mas bata kaysa sa nauna, kaya maglilingkod ang mas matanda sa bata niyang kapatid.”
Genesis 25:21-23 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dahil baog si Rebeka, nanalangin si Isaac sa PANGINOON na magkaanak ito. Tinugon ng PANGINOON ang dalangin niya, kaya nagbuntis si Rebeka. Naramdaman niya na nagtutulakan ang kambal na sanggol sa loob ng kanyang tiyan. Sinabi ni Rebeka, “Kung ganyan lang ang mangyayari sa kanila pagdating ng panahon mabuti pang mamatay na lang ako.” Kaya nagtanong siya sa PANGINOON tungkol dito. Sinabi sa kanya ng PANGINOON, “Manggagaling sa dalawang sanggol na nasa tiyan mo ang dalawang bansa; dalawang grupo ng mga tao na maglalaban-laban. Ang isaʼy magiging makapangyarihan kaysa sa isa. Ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata niyang kapatid.”
Genesis 25:21-23 Ang Biblia (TLAB)
At nanalangin si Isaac sa Panginoon dahil sa kaniyang asawa, sapagka't baog; at nadalanginan niya ang Panginoon, at si Rebeca na kaniyang asawa ay naglihi. At nagbubuno ang mga bata sa loob niya; at kaniyang sinabi, Kung ganito'y bakit nabubuhay pa ako? At siya'y yumaong nagsiyasat sa Panginoon. At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Dalawang bansa ay nasa iyong bahay-bata, At dalawang bayan ay papaghihiwalayin mula sa iyong tiyan: At ang isang bayan ay magiging malakas kaysa isang bayan; At ang matanda ay maglilingkod sa bata.
Genesis 25:21-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Hindi magkaanak si Rebeca, kaya't nanalangin kay Yahweh si Isaac. Dininig naman siya at si Rebeca'y naglihi. Kambal ang kanyang dinadala at nasa tiyan pa'y nagtutulakan na ang dalawa. Kaya't nasabi ng ina, “Kung ngayon pa'y ganito na ang nangyayari sa akin, bakit pa ako mabubuhay?” Kaya't siya'y nagtanong kay Yahweh. Ganito naman ang sagot ni Yahweh: “Dalawang sanggol ang dala mo sa loob ng iyong tiyan, larawan ng dalawang bansa na magiging magkalaban; magiging higit na malakas ang mas bata kaysa sa nauna, kaya maglilingkod ang mas matanda sa bata niyang kapatid.”
Genesis 25:21-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)