Genesis 19:23-26
Genesis 19:23-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mataas na ang araw nang makarating si Lot sa Zoar. Saka pa lamang pinaulanan ni Yahweh ng apoy at asupre ang Sodoma at Gomorra. Tinupok ni Yahweh ang mga lunsod na iyon at ang buong libis, lahat ng mamamayan doon pati ang mga pananim. Ngunit lumingon ang asawa ni Lot kaya't ito'y naging isang haliging asin.
Genesis 19:23-26 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nakasikat na ang araw nang dumating sina Lot sa Zoar. Biglang pinaulanan ng PANGINOON ng naglalagablab na asupre ang Sodom at Gomora. Nilipol ng PANGINOON ang dalawang lungsod at ang buong kapatagan. Namatay ang lahat ng nakatira roon pati ang lahat ng tanim. Lumingon ang asawa ni Lot, kaya ginawa siyang haliging asin.
Genesis 19:23-26 Ang Biblia (TLAB)
Ang araw ay nakalitaw na sa lupa nang dumating si Lot sa Zoar. Nang magkagayo'y nagpaulan ang Panginoon sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Panginoon na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon. Datapuwa't ang asawa ni Lot ay lumingon sa likuran ni Lot, at naging haliging asin.
Genesis 19:23-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mataas na ang araw nang makarating si Lot sa Zoar. Saka pa lamang pinaulanan ni Yahweh ng apoy at asupre ang Sodoma at Gomorra. Tinupok ni Yahweh ang mga lunsod na iyon at ang buong libis, lahat ng mamamayan doon pati ang mga pananim. Ngunit lumingon ang asawa ni Lot kaya't ito'y naging isang haliging asin.
Genesis 19:23-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)