Genesis 17:1-4
Genesis 17:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang siyamnapu't siyam na taon na si Abram, nagpakita sa kanya si Yahweh at sinabi, “Ako ang Makapangyarihang Diyos. Sumunod ka sa akin at ingatan mong walang dungis ang iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay. Ako'y makikipagtipan sa iyo at lubhang pararamihin ko ang iyong lahi.” Pagkarinig nito'y nagpatirapa si Abram. Sinabi pa sa kanya ng Diyos, “Ito ang aking tipan sa iyo: Ikaw ay magiging ama ng maraming bansa.
Genesis 17:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam. At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi, Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa.
Genesis 17:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang 99 na taong gulang si Abram, nagpakita sa kanya ang PANGINOON at sinabi, “Ako ang Dios na Makapangyarihan. Palagi kang maging matapat sa akin at mamuhay nang matuwid. Tutuparin ko ang kasunduan ko sa iyo; pararamihin ko ang mga lahi mo.” Nang marinig ito ni Abram, nagpatirapa siya bilang paggalang sa Dios. Sinabi ng Dios sa kanya, “Sa ganang akin, ito ang kasunduan ko sa iyo: Magiging ama ka ng maraming bansa.
Genesis 17:1-4 Ang Biblia (TLAB)
At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam. At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi, Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa.
Genesis 17:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)