Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 11:4-32

Genesis 11:3-32 Ang Salita ng Dios (ASND)

Ngayon, sinabi ng mga tao, “Magtayo tayo ng isang lungsod na may tore na aabot sa langit, para maging tanyag tayo at hindi mangalat sa buong mundo.” Kaya gumawa sila ng mga tisa, at pinainitan nila ito nang mabuti para tumigas nang husto. Tisa ang ginamit nila sa halip na bato. At aspalto ang ginamit nila bilang semento. Ngayon, bumaba ang PANGINOON para tingnan ang pagtatayo ng mga tao ng lungsod at tore. Sinabi ng PANGINOON, “Ang mga taong ito ay nagkakaisa at may isang wika lang. At ang ginagawa nilang ito ay simula pa lamang ng mga binabalak pa nilang gawin. Hindi magtatagal, gagawin nila ang kahit anong gusto nilang gawin. Kaya bumaba tayo. Pag-iba-ibahin natin ang wika nila para hindi sila magkaintindihan.” Kaya pinangalat sila ng PANGINOON sa buong mundo dahil hindi na sila magkaintindihan, at nahinto ang pagtatayo nila ng lungsod. Ang lungsod na ito ay tinawag na Babel dahil doon pinag-iba-iba ng PANGINOON ang wika ng mga tao, at mula roon ay pinangalat niya sila sa buong mundo. Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Shem: Dalawang taon pagkatapos ng baha, nasa 100 taong gulang na noon si Shem, nang isilang ang anak niyang lalaki na si Arfaxad. Matapos isilang si Arfaxad, nabuhay pa si Shem ng 500 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang 35 taong gulang na si Arfaxad, isinilang ang anak niyang lalaki na si Shela. Matapos isilang si Shela, nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang 30 taong gulang na si Shela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Eber. Matapos isilang si Eber, nabuhay pa si Shela ng 403 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang 34 taong gulang na si Eber, isinilang ang anak niyang lalaki na si Peleg. Matapos isilang si Peleg, nabuhay pa si Eber ng 430 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang 30 taong gulang na si Peleg, isinilang ang anak niyang lalaki na si Reu. Matapos isilang si Reu, nabuhay pa si Peleg ng 209 na taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang 32 taong gulang na si Reu, isinilang ang anak niyang lalaki na si Serug. Matapos isilang si Serug, nabuhay pa si Reu ng 207 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang 30 taong gulang na si Serug, isinilang ang anak niyang lalaki na si Nahor. Matapos isilang si Nahor, nabuhay pa si Serug ng 200 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang 29 taong gulang na si Nahor, isinilang ang anak niyang lalaki na si Tera. Matapos isilang si Tera, nabuhay pa si Nahor ng 119 na taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang 70 taong gulang na si Tera, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Abram, Nahor at Haran. Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Tera: Si Tera ang ama nina Abram, Nahor at Haran. Si Haran ang ama ni Lot. Namatay si Haran doon sa Ur na sakop ng mga Caldeo, sa lugar mismo kung saan isinilang siya. Namatay siya habang buhay pa ang ama niyang si Tera. Naging asawa ni Abram si Sarai, at si Nahor ay naging asawa ni Milca. Ang ama ni Milca at ng kapatid niyang si Isca ay si Haran. Si Sarai ay hindi magkaanak dahil siyaʼy baog. Umalis si Tera sa Ur na sakop ng mga Caldeo. Kasama niya ang anak niyang si Abram, ang kanyang manugang na si Sarai, at ang apo niyang si Lot na anak ni Haran. Papunta sana sila sa Canaan, pero pagdating nila sa Haran doon na lamang sila tumira. Doon namatay si Tera sa edad na 205.

Genesis 11:4-32 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ang sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak sa daigdig.” Bumabâ si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga tao. Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan. Ang mabuti'y bumabâ tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan.” At ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lunsod. Babel ang itinawag nila sa lunsod na iyon, sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh. Ito ang kasaysayan ng mga lahi na nagmula kay Shem. Dalawang taon makalipas ang baha, si Shem ay nagkaanak ng isang lalaki, si Arfaxad. Si Shem ay sandaang taóng gulang na noon. Nabuhay pa siya nang 500 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak. Nang si Arfaxad ay tatlumpu't limang taon na, nagkaanak siya ng isang lalaki, si Shela. Nabuhay pa siya nang 403 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak. Tatlumpung taon na noon si Shela nang maging anak niya si Heber. Nabuhay pa siya nang 403 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. Sa gulang na tatlumpu't apat na taon, naging anak ni Heber si Peleg. Nabuhay pa siya nang 430 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. Sa gulang na tatlumpung taon, naging anak ni Peleg si Reu. Nabuhay pa siya nang 209 taon, at nagkaroon pa ng ibang mga anak. Si Reu naman ay tatlumpu't dalawang taon na nang maging anak niya si Serug. Nabuhay pa siya nang 207 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. Si Serug ay tatlumpung taon nang maging anak niya si Nahor. Nabuhay pa siya nang 200 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. Naging anak naman ni Nahor si Terah nang siya'y dalawampu't siyam na taon. Nabuhay pa siya nang 119 taon, at nagkaroon din ng ibang mga anak. Pitumpung taon na si Terah nang magkaanak ng tatlong lalaki: sina Abram, Nahor at Haran. Ito naman ang kasaysayan ng mga anak ni Terah na sina Abram, Nahor at si Haran na ama ni Lot. Buháy pa si Terah nang mamatay si Haran sa kanyang sariling bayan ng Ur, sa Caldea. Napangasawa ni Abram si Sarai at napangasawa naman ni Nahor si Milca na anak ni Haran na ama rin ni Isca. Si Sarai ay hindi magkaanak sapagkat baog siya. Umalis si Terah sa bayan ng Ur, Caldea, kasama ang kanyang anak na si Abram, ang asawa nitong si Sarai at si Lot na anak ni Haran. Papunta sila sa Canaan ngunit nang dumating sa Haran, doon na sila nanirahan. Doon namatay si Terah sa gulang na 205 taon.

Genesis 11:4-32 Ang Biblia (TLAB)

At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo'y mangalat sa ibabaw ng buong lupa. At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao. At sinabi ng Panginoon, Narito, sila'y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga'y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin. Halikayo! tayo'y bumaba at diyan din ay ating guluhin ang kanilang wika, na anopa't sila'y huwag magkatalastasan sa kanilang salita. Ganito pinanabog sila ng Panginoon mula riyan, sa ibabaw ng buong lupa; at kanilang iniwan ang pagtatayo ng bayan. Kaya ang pangalang itinawag ay Babel; sapagka't doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa. Ito ang sali't saling lahi ni Sem. May isang daan taon si Sem at naging anak si Arphaxad, dalawang taon pagkatapos ng bahang gumunaw, At nabuhay si Sem, pagkatapos na maipanganak si Arphaxad, ng limang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Arphaxad, ng tatlong pu't limang taon, at naging anak si Sala. At nabuhay si Arphaxad pagkatapos na maipanganak si Sala, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Sala ng tatlong pung taon, at naging anak si Heber: At nabuhay si Sala pagkatapos na maipanganak si Heber, ng apat na raan at tatlong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Heber ng tatlong pu't apat na taon, at naging anak si Peleg: At nabuhay si Heber pagkatapos na maipanganak si Peleg, ng apat na raan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Peleg ng tatlong pung taon, at naging anak si Reu: At nabuhay si Peleg pagkatapos na maipanganak si Reu, ng dalawang daan at siyam na taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Reu ng tatlong pu't dalawang taon, at naging anak si Serug: At nabuhay si Reu pagkatapos na maipanganak si Serug, ng dalawang daan at pitong taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Serug ng tatlong pung taon, at naging anak si Nachor: At nabuhay si Serug pagkatapos maipanganak si Nachor, ng dalawang daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Nachor ng dalawang pu't siyam na taon, at naging anak si Thare: At nabuhay si Nachor pagkatapos na maipanganak si Thare, ng isang daan at labing siyam na taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At nabuhay si Thare ng pitong pung taon, at naging anak si Abram, si Nachor at si Haran. Ito nga ang mga lahi ni Thare. Naging anak ni Thare si Abram, si Nachor, at si Haran; at naging anak ni Haran si Lot. At namatay si Haran bago namatay ang kaniyang amang si Thare sa lupaing kaniyang tinubuan, sa Ur ng mga Caldeo. At nagsipagasawa si Abram at si Nachor: ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai; at ang pangalan ng asawa ni Nachor, ay Milca, anak ni Haran, ama ni Milca at ama ni Iscah. At si Sarai ay baog; siya'y walang anak. At ipinagsama ni Thare si Abram na kaniyang anak, at si Lot na anak ni Haran, na anak ng kaniyang anak, at si Sarai na kaniyang manugang, asawa ni Abram na kaniyang anak; at samasamang nagsialis sa Ur ng mga Caldeo upang magsipasok sa lupain ng Canaan, at nagsidating sila sa Haran, at nagsitahan doon. At ang mga naging araw ni Thare ay dalawang daan at limang taon: at namatay si Thare sa Haran.

Genesis 11:4-32 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Genesis 11:4-32 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)