Mga Taga-Galacia 5:24-25
Mga Taga-Galacia 5:24-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito. Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay.
Mga Taga-Galacia 5:24-25 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ipinako na ng mga nakay Cristo ang pagnanasa at masasamang hangarin ng kanilang laman doon sa krus. At dahil nga namumuhay na tayo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, magpatuloy tayo sa patnubay nito.
Mga Taga-Galacia 5:24-25 Ang Biblia (TLAB)
At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito. Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.
Mga Taga-Galacia 5:24-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)