Mga Taga-Galacia 4:3-7
Mga Taga-Galacia 4:3-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Gayundin naman, noong hindi pa tayo nananalig kay Cristo, tayo'y nasa ilalim ng mga tuntuning umiiral sa sanlibutang ito. Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo'y maibibilang sa mga anak ng Diyos. At upang patunayan na kayo'y mga anak ng Diyos, isinugo niya ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating mga puso, at nang sa gayon ay makatawag tayo sa Diyos ng “Ama, Ama ko!” Hindi na kayo alipin kundi anak, at dahil kayo ay anak, kayo ay ginawa rin ng Diyos bilang mga tagapagmana niya.
Mga Taga-Galacia 4:3-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ganoon din naman ang kalagayan natin bago dumating si Cristo – inalipin tayo ng mga panuntunan ng mundong ito. Ngunit nang dumating na ang takdang panahon, isinugo ng Dios ang kanyang Anak sa mundo. Ipinanganak siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan para palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan, nang sa ganoon ay maging anak tayo ng Dios. At dahil mga anak na tayo ngayon ng Dios, isinugo ng Dios ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating puso, kaya makakatawag na tayo sa kanya ng “Ama.” Ngayon, hindi na tayo mga alipin kundi mga anak. At kung mga anak tayo ng Dios, tagapagmana rin tayo ng mga pangako niya.
Mga Taga-Galacia 4:3-7 Ang Biblia (TLAB)
Gayon din naman tayo, nang tayo'y mga bata pa, tayo'y nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan. Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan, Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak. At sapagka't kayo'y mga anak, ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama. Ano pa't hindi ka na alipin, kundi anak; at kung anak, ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios.
Mga Taga-Galacia 4:3-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Gayundin naman, noong hindi pa tayo nananalig kay Cristo, tayo'y nasa ilalim ng mga tuntuning umiiral sa sanlibutang ito. Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo'y maibibilang sa mga anak ng Diyos. At upang patunayan na kayo'y mga anak ng Diyos, isinugo niya ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating mga puso, at nang sa gayon ay makatawag tayo sa Diyos ng “Ama, Ama ko!” Hindi na kayo alipin kundi anak, at dahil kayo ay anak, kayo ay ginawa rin ng Diyos bilang mga tagapagmana niya.
Mga Taga-Galacia 4:3-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)