Mga Taga-Galacia 3:6-8
Mga Taga-Galacia 3:6-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tulad ng nangyari kay Abraham, “Sumampalataya siya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring ng Diyos na taong matuwid.” Kung gayon, maliwanag na ang mga nananalig sa Diyos ang siyang tunay na lahi ni Abraham. Bago pa ito nangyari ay ipinahayag na ng kasulatan na ipawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya at ang Magandang Balitang ito ay inihayag kay Abraham, “Sa pamamagitan mo'y pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa.”
Mga Taga-Galacia 3:6-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Tingnan nʼyo ang nangyari kay Abraham. Ayon sa Kasulatan, “Sumampalataya siya sa Diyos, kaya itinuring siyang matuwid.” Malinaw na ang mga sumasampalataya sa Diyos ang siyang mga tunay na anak ni Abraham. Noon pa man, sinasabi na sa Kasulatan na ituturing na matuwid ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng pananampalataya nila. At ang Magandang Balitang itoʼy ipinahayag ng Diyos kay Abraham nang sabihin niya, “Pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa pamamagitan mo.”
Mga Taga-Galacia 3:6-8 Ang Biblia (TLAB)
Gaya nga ni Abraham na sumampalataya sa Dios, at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran. Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham. At sapagka't ipinakita na ng kasulatan, na aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa.
Mga Taga-Galacia 3:6-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Tulad ng nangyari kay Abraham, “Sumampalataya siya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring ng Diyos na taong matuwid.” Kung gayon, maliwanag na ang mga nananalig sa Diyos ang siyang tunay na lahi ni Abraham. Bago pa ito nangyari ay ipinahayag na ng kasulatan na ipawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya at ang Magandang Balitang ito ay inihayag kay Abraham, “Sa pamamagitan mo'y pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa.”
Mga Taga-Galacia 3:6-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)