Mga Taga-Galacia 3:23-26
Mga Taga-Galacia 3:23-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo'y ikinulong ng Kautusan hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag. Kaya't ang Kautusan ang naging tagapangalaga natin hanggang sa dumating si Cristo upang tayo'y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ngayong sumasampalataya na tayo kay Cristo, wala na tayo sa pangangalaga ng Kautusan. Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos.
Mga Taga-Galacia 3:23-26 Ang Salita ng Dios (ASND)
Noong hindi pa dumarating itong tinatawag na pananampalataya kay Cristo, para tayong mga bilanggo. Binilanggo tayo ng kautusan hanggang sa araw na inihayag ang kaligtasan natin sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Kautusan ay naging tagapag-alaga natin hanggang sa dumating si Cristo, para sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya ay maituring tayong matuwid. At ngayong may pananampalataya na, wala na tayo sa patnubay ng Kautusan na tagapag-alaga. Kayong lahat ay mga anak ng Dios dahil sa pananampalataya ninyo kay Cristo Jesus.
Mga Taga-Galacia 3:23-26 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos. Ano pa't ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo. Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.
Mga Taga-Galacia 3:23-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo'y ikinulong ng Kautusan hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag. Kaya't ang Kautusan ang naging tagapangalaga natin hanggang sa dumating si Cristo upang tayo'y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ngayong sumasampalataya na tayo kay Cristo, wala na tayo sa pangangalaga ng Kautusan. Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos.
Mga Taga-Galacia 3:23-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)