Mga Taga-Galacia 3:1-5
Mga Taga-Galacia 3:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga hangal kayong mga taga-Galacia! Sino ang nakagayuma sa inyo? Maliwanag na ipinahayag na sa inyo kung paano namatay si Jesu-Cristo sa krus! Sabihin nga ninyo, tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ayon sa Kautusan o sa pamamagitan ng inyong pananalig sa inyong narinig tungkol kay Cristo? Talagang napakahangal ninyo! Nagsimula na kayo sa Espiritu, at ngayo'y nais pa ninyong magtapos sa pamamagitan ng inyong sariling lakas! Wala na bang halaga sa inyo ang maraming bagay na pinagtiisan ninyo? Mayroon pa naman siguro. Bakit ipinagkaloob sa inyo ng Diyos ang Espiritu? Bakit siya gumagawa ng mga himala? Dahil ba sa inyong mga gawa ayon sa Kautusan, o dahil sa inyong pananalig sa inyong narinig tungkol kay Cristo?
Mga Taga-Galacia 3:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ano ba naman kayong mga taga-Galacia! Hindi ba kayo makaintindi? Bakit kayo naniniwala sa mga nanlilinlang sa inyo? Hindi baʼt malinaw na ipinangaral ko sa inyo ang kahulugan ng pagkamatay ni Cristo sa krus? Ito ngayon ang gusto kong itanong sa inyo: Tinanggap nʼyo ba ang Banal na Espiritu dahil sa pagsunod sa Kautusan, o dahil sumampalataya kayo sa Magandang Balita na napakinggan nʼyo? Talagang hindi nga kayo makaintindi! Nagsimula kayo bilang mananampalataya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu, bakit ngayon pinipilit ninyong magpakabanal sa pamamagitan ng sarili nʼyong pagsisikap? Wala na bang halaga sa inyo ang naranasan ninyo? Mawawalan na lang ba ito ng kabuluhan? Hindi baʼt ibinigay sa inyo ng Dios ang kanyang Espiritu, at sa pamamagitan niyaʼy gumagawa kayo ng mga himala? Tinanggap nʼyo ba ito dahil sa pagsunod sa Kautusan o dahil sumampalataya kayo sa Magandang Balita na napakinggan ninyo?
Mga Taga-Galacia 3:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Oh mga mangmang na taga Galacia, sino ang mga nagsigayuma sa inyo, na sa harapan ng inyong mga mata'y si Jesucristo, na napako sa krus, ay maliwanag na inihayag? Ito lamang ang ibig kong maalaman sa inyo, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya? Napakamangmang na baga kayo? kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo'y nangagpapakasakdal kayo sa laman? Tiniis baga ninyong walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay? kung tunay na walang kabuluhan. Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?
Mga Taga-Galacia 3:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga hangal kayong mga taga-Galacia! Sino ang nakagayuma sa inyo? Maliwanag na ipinahayag na sa inyo kung paano namatay si Jesu-Cristo sa krus! Sabihin nga ninyo, tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ayon sa Kautusan o sa pamamagitan ng inyong pananalig sa inyong narinig tungkol kay Cristo? Talagang napakahangal ninyo! Nagsimula na kayo sa Espiritu, at ngayo'y nais pa ninyong magtapos sa pamamagitan ng inyong sariling lakas! Wala na bang halaga sa inyo ang maraming bagay na pinagtiisan ninyo? Mayroon pa naman siguro. Bakit ipinagkaloob sa inyo ng Diyos ang Espiritu? Bakit siya gumagawa ng mga himala? Dahil ba sa inyong mga gawa ayon sa Kautusan, o dahil sa inyong pananalig sa inyong narinig tungkol kay Cristo?
Mga Taga-Galacia 3:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)