Ezekiel 36:23-24
Ezekiel 36:23-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ipapakita ko ang kabanalan ng dakila kong pangalan na nalapastangan sa harap ng mga bansa. Makikilala ng lahat na ako si Yahweh kung maipakita ko na sa kanila na ako ay banal. Titipunin ko kayo mula sa iba't ibang bansa upang ibalik sa inyong bayan.
Ezekiel 36:23-24 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ipapakita ko ang kabanalan ng marangal kong pangalan sa mga bansa kung saan nilapastangan ninyo ito. At malalaman ng mga bansang iyon na ako ang PANGINOON kapag ipinakita ko sa kanila ang aking kabanalan sa pamamagitan ng gagawin ko sa inyo. Ako, ang Panginoong DIOS, ang nagsasabi nito. Sapagkat kukunin ko kayo sa ibaʼt ibang bansa at pababalikin ko kayo sa sarili ninyong lupain.
Ezekiel 36:23-24 Ang Biblia (TLAB)
At aking babanalin ang aking dakilang pangalan, na nalapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, sabi ng Panginoong Dios, pagka ako'y aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata. Sapagka't aking kukunin kayo sa mga bansa, at pipisanin ko kayo na mula sa lahat ng lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong sariling lupain.
Ezekiel 36:23-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ipapakita ko ang kabanalan ng dakila kong pangalan na nalapastangan sa harap ng mga bansa. Makikilala ng lahat na ako si Yahweh kung maipakita ko na sa kanila na ako ay banal. Titipunin ko kayo mula sa iba't ibang bansa upang ibalik sa inyong bayan.
Ezekiel 36:23-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)