Ezekiel 34:15-16
Ezekiel 34:15-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ako mismo ang magpapastol sa kanila at hahanap ng kanilang pahingahan. Hahanapin ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay, palalakasin ang mahihina, ngunit pupuksain ko ang mga malulusog at malalakas. Ibibigay ko sa kanila ang katarungan.
Ezekiel 34:15-16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ako, ang Panginoong DIOS, ang mismong mag-aalaga sa aking mga tupa, at silaʼy aking pagpapahingahin. Hahanapin ko ang mga nawawala at ang mga naliligaw. Gagamutin ko ang mga may sugat at may sakit, palalakasin ko ang mahihina. Pero lilipulin ko ang matataba at malalakas na tupa. Gagawin ko sa kanila kung ano ang nararapat.
Ezekiel 34:15-16 Ang Biblia (TLAB)
Ako ay magiging kanilang pastor ng aking mga tupa at aking pahihigain sila, sabi ng Panginoong Dios. Aking hahanapin ang nawala, at ibabalik ang iniligaw, at tatalian ang nabalian, at palalakasin ang may sakit: nguni't aking lilipulin ang mataba at malakas; aking pakakanin sila sa katuwiran.
Ezekiel 34:15-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ako mismo ang magpapastol sa kanila at hahanap ng kanilang pahingahan. Hahanapin ko ang nawawala, ibabalik ang nalalayo, hihilutin ang napilay, palalakasin ang mahihina, ngunit pupuksain ko ang mga malulusog at malalakas. Ibibigay ko sa kanila ang katarungan.
Ezekiel 34:15-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)