Ezekiel 14:1-3
Ezekiel 14:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Minsan, lumapit sa akin ang mga tagapamahala ng Israel at umupo sa harap ko para sumangguni sa PANGINOON. Sinabi sa akin ng PANGINOON, “Anak ng tao, ang mga taong iyan ay nagmamahal sa mga dios-diosan na siyang nagtulak sa kanila sa pagkakasala, kaya hindi ako makakapayag na humingi sila ng payo sa akin.
Ezekiel 14:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Minsan, pumunta sa akin ang ilang pinuno ng Israel upang magpasangguni kay Yahweh. Ang sabi naman sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, ang mga ito'y nahumaling na sa diyus-diyosan at naibunsod sa kasamaan. Hindi ko sila tutugunin sa pagsangguni nila sa akin.
Ezekiel 14:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y lumapit sa akin ang ilan sa mga matanda sa Israel, at nangaupo sa harap ko. At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na nagsasabi, Anak ng tao, tinaglay ng mga lalaking ito ang kanilang mga diosdiosan sa kanilang puso, at inilagay ang katitisuran ng kanilang kasamaan sa harap ng kanilang mukha: dapat bagang sanggunian nila ako?
Ezekiel 14:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Minsan, pumunta sa akin ang ilang pinuno ng Israel upang magpasangguni kay Yahweh. Ang sabi naman sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, ang mga ito'y nahumaling na sa diyus-diyosan at naibunsod sa kasamaan. Hindi ko sila tutugunin sa pagsangguni nila sa akin.
Ezekiel 14:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)