Exodo 5:1-2
Exodo 5:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkatapos nito, nagpunta sa Faraon sina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Ipinapasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na payagan ninyong pumunta sa ilang ang kanyang bayang Israel upang magpista bilang parangal sa kanya.” “Sinong Yahweh? Sino siyang mag-uutos sa akin na payagan kong umalis ang mga Israelita? Wala akong kilalang Yahweh. Hindi! Hindi ko papayagang umalis ang mga Israelita,” sagot ng Faraon.
Exodo 5:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, pumunta sina Moises at Aaron sa Faraon at sinabi, “Ito ang sinasabi ng PANGINOON, ang Dios ng Israel: ‘Payagan mong umalis ang mga mamamayan ko, para makapagdaos sila ng pista sa ilang para sa akin.’ ” Sinabi ng Faraon, “Sino ba ang PANGINOON para makinig ako sa kanya at payagang umalis ang mga Israelita? Hindi ko kilala ang PANGINOON at hindi ko paaalisin ang mga Israelita.”
Exodo 5:1-2 Ang Biblia (TLAB)
At pagkatapos nito, si Moises at si Aaron ay nagsipasok, at sinabi kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bayaan mong ang aking bayan ay yumaon upang ipagdiwang nila ako ng isang kapistahan sa ilang. At sinabi ni Faraon, Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang kaniyang tinig, upang pahintulutan kong yumaon ang Israel? Hindi ko nakikilala ang Panginoon at saka hindi ko pahihintulutang yumaon ang Israel.
Exodo 5:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkatapos nito, nagpunta sa Faraon sina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Ipinapasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na payagan ninyong pumunta sa ilang ang kanyang bayang Israel upang magpista bilang parangal sa kanya.” “Sinong Yahweh? Sino siyang mag-uutos sa akin na payagan kong umalis ang mga Israelita? Wala akong kilalang Yahweh. Hindi! Hindi ko papayagang umalis ang mga Israelita,” sagot ng Faraon.
Exodo 5:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)