Exodo 40:34-35
Exodo 40:34-35 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang magawâ ang Toldang Tipanan, nabalot ito ng ulap at napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh. Hindi makapasok si Moises sapagkat nanatili sa loob nito ang ulap at napuspos ito ng kaluwalhatian ni Yahweh.
Exodo 40:34-35 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos ng lahat ng ito, binalot ang Toldang Tipanan ng makapangyarihang presensya ng PANGINOON na nasa anyo ng isang ulap. Hindi makapasok si Moises sa Tolda dahil nababalot ito ng makapangyarihang presensya ng PANGINOON na nasa anyong ulap.
Exodo 40:34-35 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y tinakpan ng ulap ang tabernakulo ng kapisanan, at pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo. At si Moises ay hindi makapasok sa tabernakulo ng kapisanan, sapagka't lumagay sa ibabaw niyaon ang ulap, at pinuspos ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.
Exodo 40:34-35 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang magawâ ang Toldang Tipanan, nabalot ito ng ulap at napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh. Hindi makapasok si Moises sapagkat nanatili sa loob nito ang ulap at napuspos ito ng kaluwalhatian ni Yahweh.
Exodo 40:34-35 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)