Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Exodo 26:1-14

Exodo 26:1-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

“Magpagawa ka ng Toldang Sambahan. Ito ang mga gagamitin sa paggawa nito: sampung piraso ng pinong telang linen na may lanang kulay asul, ube at pula. At paburdahan ito ng kerubin sa mahuhusay na mambuburda. Kailangang magkakasukat ang bawat tela na may habang 42 talampakan at may lapad na anim na talampakan. Pagdugtong-dugtungin ninyo ito ng tiglilima. At pagawan mo ng parang singsing na telang asul ang bawat gilid ng pinagdugtong na mga tela, at tig-50 na parang singsing na tela sa bawat dulo at kailangan magkatapat sa isaʼt isa. Magpagawa ka ng 50 kawit na ginto para mapagkabit ang parang mga singsing na tela sa dalawang pinagsamang tela. Sa pamamagitan nito, magagawa ang Toldang Sambahan. “Pagawan mo ng talukbong ang Tolda. Labing-isang pirasong tela na gawa sa balahibo ng kambing ang gagamitin sa paggawa nito. Kailangang may haba na 45 talampakan ang bawat tela at anim na talampakan ang lapad. Pagdugtong-dugtungin mo ang limang tela at ganoon din ang gawin sa natirang anim. Ang ikaanim naman ay tutupiin at ilalagay sa harap ng tolda. Palagyan mo rin ito ng 50 parang singsing na tela ang bawat gilid ng pinagdugtong na mga tela, at ikabit dito ang 50 tansong kawit. Ilaylay mo sa likod ng Tolda ang kalahati ng sobrang tela, at ilaylay din sa bawat gilid ang isaʼt kalahating talampakan ng tela na sobra sa pangtalukbong ng Tolda. Ang ibabaw ng talukbong ng Tolda ay papatungan ng balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, at papatungan din ng magandang klase ng balat.

Exodo 26:1-14 Ang Biblia (TLAB)

Bukod dito'y gagawin mo ang tabernakulo na may sangpung tabing; na linong pinili, at bughaw, at kulay-ube, at pula, na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa, iyong gagawin. Ang magiging haba ng bawa't tabing ay dalawang pu't walong siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: lahat ng tabing ay magkakaroon ng isang kasukatan. Limang tabing ay papagsusugpunging isa't isa; at ang ibang limang tabing ay papagsusugpunging isa't isa. At gagawa ka ng mga presilyang bughaw sa gilid ng isang tabing sa hangganan ng pagkakasugpong, at gayon din gagawin mo sa gilid ng ikalawang tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong. Limang pung presilya ang iyong gagawin sa isang tabing, at limang pung presilya ang iyong gagawin sa gilid ng tabing na nasa ikalawang pagkakasugpong; ang mga presilya ay magkakatapat na isa't isa. At limang pung pangawit na ginto ang iyong gagawin at pagsusugpungin mo ang mga tabing sa pamamagitan ng mga kawit; at magiging isa lamang. At gagawa ka ng mga tabing na balahibo ng kambing na pinaka tolda sa ibabaw ng tabernakulo: labing isang tabing ang iyong gagawin. Ang magiging haba ng bawa't tabing ay tatlong pung siko, at ang luwang ng bawa't tabing ay apat na siko: ang labing isang tabing ay magkakaroon ng isang sukat. At iyong papagsusugpungin ang limang tabing, at gayon din ang anim na tabing, at iyong ititiklop ang ikaanim na tabing sa harapan ng tabernakulo. At limang pung presilya ang iyong gagawin sa tagiliran ng isang tabing na nasa hangganan ng pagkakasugpong, at limang pung presilya sa tagiliran ng ikalawang pagkakasugpong. At gagawa ka ng limang pung pangawit na tanso, at ikakabit mo ang mga pangawit sa mga presilya at pagsusugpungin mo ang tolda upang maging isa. At ang dakong nakalawit na nalalabi sa mga tabing ng tolda, na siyang kalahati ng tabing na nalalabi ay ilalaylay sa likuran ng tabernakulo. At ang siko ng isang dako at ang siko ng kabilang dako niyaong nalalabi sa haba ng mga tabing ng tolda, ay ilalaylay sa mga tagiliran ng tabernakulo, sa dakong ito at sa dakong yaon, upang takpan. At gagawa ka ng isang pangtakip sa tolda na balat ng lalaking tupa na tininang pula, at isang pangtakip na balat ng poka, sa ibabaw.

Exodo 26:1-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)