Exodo 19:7-9
Exodo 19:7-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya tinipon ni Moises ang mga pinuno ng Israel at sinabi ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yahweh. Sila nama'y sabay-sabay na sumagot, “Susundin namin ang lahat ng iniutos ni Yahweh.” Si Moises ay nagbalik kay Yahweh at sinabi ang tugon ng mga tao. Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Magsasalita ako sa iyo mula sa makapal na ulap upang marinig ng mga tao at nang sila'y maniwala sa iyo habang panahon.” At sinabi ni Moises kay Yahweh ang pasya ng mga tao.
Exodo 19:7-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kaya bumaba si Moises mula sa bundok at ipinatawag niya ang mga pinuno ng Israel at sinabi sa kanila ang sinabi ng PANGINOON. At sabay-sabay na sumagot ang mga tao, “Susundin namin ang lahat ng sinabi ng PANGINOON.” At sinabi ni Moises sa PANGINOON ang sagot ng mga tao. Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Darating ako sa iyo sa pamamagitan ng makapal na ulap upang marinig ng mga tao ang pakikipag-usap ko sa iyo, at nang lagi silang magtiwala sa iyo.” At sinabi ni Moises sa PANGINOON ang sagot ng mga tao.
Exodo 19:7-9 Ang Biblia (TLAB)
At dumating si Moises at tinawag ang mga matanda sa bayan, at ipinahayag sa harap nila ang lahat ng salitang ito na iniutos ng Panginoon sa kaniya. At ang buong bayan ay sumagot na magkakaisa, at nagsabi, Yaong lahat na sinalita ng Panginoon ay aming gagawin. At ipinagbigay alam ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Narito ako'y naparirito sa iyo sa isang salimuot na ulap upang marinig ng bayan pagka ako'y magsasalita sa iyo, at paniwalaan ka rin naman nila magpakailan man. At sinalita ni Moises ang mga salita ng bayan sa Panginoon.
Exodo 19:7-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya tinipon ni Moises ang mga pinuno ng Israel at sinabi ang lahat ng iniutos sa kanya ni Yahweh. Sila nama'y sabay-sabay na sumagot, “Susundin namin ang lahat ng iniutos ni Yahweh.” Si Moises ay nagbalik kay Yahweh at sinabi ang tugon ng mga tao. Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Magsasalita ako sa iyo mula sa makapal na ulap upang marinig ng mga tao at nang sila'y maniwala sa iyo habang panahon.” At sinabi ni Moises kay Yahweh ang pasya ng mga tao.
Exodo 19:7-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)