Exodo 17:6-7
Exodo 17:6-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hihintayin ko kayo sa ibabaw ng malaking bato sa Sinai. Hampasin mo ito at bubukal ang tubig na maiinom ng mga tao.” Iyon nga ang ginawa ni Moises; at ito'y nasaksihan ng mga kasama niyang pinuno ng Israel. Ang lugar na iyon ay pinangalanan niyang “Masah” at “Meriba” sapagkat nagtalu-talo doon ang mga Israelita at sinubok nila si Yahweh. Ang pinagtalunan nila ay kung pinapatnubayan nga sila ni Yahweh o hindi.
Exodo 17:6-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hihintayin kita roon sa may bato sa Horeb. Kapag naroon ka na, paluin mo ang bato, at lalabas ang tubig na iinumin ng mga tao.” Kaya ginawa ito ni Moises sa harap ng mga tagapamahala ng Israel. Tinawag ni Moises ang lugar na Masa at Meriba, dahil nakipagtalo sa kanya ang mga Israelita at sinubukan nila ang PANGINOON sa pamamagitan ng pagsasabi, “Sinasamahan ba tayo ng PANGINOON o hindi?”
Exodo 17:6-7 Ang Biblia (TLAB)
Narito, ako'y tatayo sa harap mo roon sa ibabaw ng bato sa Horeb; at iyong papaluin ang bato, at lalabasan ng tubig, upang ang bayan ay makainom. At gayon ginawa ni Moises sa paningin ng mga matanda sa Israel. At tinawag nila ang pangalan ng dakong yaon, na Massah at Meribah, dahil sa pakikipagtalo ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang tinukso ang Panginoon, na kanilang sinasabi, Ang Panginoon ba'y nasa gitna natin o wala?
Exodo 17:6-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Hihintayin ko kayo sa ibabaw ng malaking bato sa Sinai. Hampasin mo ito at bubukal ang tubig na maiinom ng mga tao.” Iyon nga ang ginawa ni Moises; at ito'y nasaksihan ng mga kasama niyang pinuno ng Israel. Ang lugar na iyon ay pinangalanan niyang “Masah” at “Meriba” sapagkat nagtalu-talo doon ang mga Israelita at sinubok nila si Yahweh. Ang pinagtalunan nila ay kung pinapatnubayan nga sila ni Yahweh o hindi.
Exodo 17:6-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)