Exodo 16:2-3
Exodo 16:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mga Israelita'y nagreklamo kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pa sana'y pinatay na kami ni Yahweh sa Egipto. Doon, nakakakain kami ng karne at tinapay hanggang gusto namin. Dito naman sa ilang na pinagdalhan ninyo sa amin, mamamatay kami sa gutom.”
Exodo 16:2-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Doon sa ilang, nagreklamo ang lahat ng mga Israelita kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pang pinatay na lang kami ng PANGINOON sa Ehipto! Doon, kahit papaanoʼy nakakakain kami ng karne at ng lahat ng pagkain na gusto namin. Ngunit dinala nʼyo kami rito sa ilang upang patayin kaming lahat sa gutom.”
Exodo 16:2-3 Ang Biblia (TLAB)
At inupasala ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron sa ilang: At sinabi sa kanila ng mga anak ni Israel, Namatay na sana kami sa pamamagitan ng kamay ng Panginoon sa lupain ng Egipto, nang kami ay nauupo sa tabi ng mga palyok ng karne, nang kami ay kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog; sapagka't kami ay inyong dinala sa ilang na ito, upang patayin ng gutom ang buong kapisanang ito.
Exodo 16:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang mga Israelita'y nagreklamo kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pa sana'y pinatay na kami ni Yahweh sa Egipto. Doon, nakakakain kami ng karne at tinapay hanggang gusto namin. Dito naman sa ilang na pinagdalhan ninyo sa amin, mamamatay kami sa gutom.”
Exodo 16:2-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)